Raffy Tulfo, sinurpresa ang beatbox twins ng Cebu na hinangaan din ni Will Smith

Raffy Tulfo, sinurpresa ang beatbox twins ng Cebu na hinangaan din ni Will Smith

- Naging panauhin ni Raffy Tulfo ang kambal na sina Jake at Joemar Cancencia na kilala sa kanilang husay sa pag-beatbox

- Nalaman ni Tulfo na mayroon ding YouTube channel ang kambal at tinutulungan sila ng kanilang pinsan sa pag-eedit at pag-upload ng kanilang video

- Bukod sa kambal, natulungan din ni Tulfo ang pamilyang sumusuporta sa talento ng dalawa

- Masayang-masaya ang kambal na labis na nagpapasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob sa kanila ng kanilang Idol Raffy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaunlak ang kambal na sina Jake at Joemar Canencia ng Cebu sa programang Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na naimbithan ang dalawa matapos na humanga ng Hollywood superstar na si Will Smith sa beatboxing skills ng dalawa at ibinahagi pa nito ang kanilang video.

Maging si Tulfo ay bumilib sa kambal sa husay ng mga ito na mag-beatbox.

Read also

Kambal na walang paningin at iniwan na ng kanilang ina, natulungan ni Tulfo

Raffy Tulfo, tinulungan ang beatbox twins ng Cebu na hinangaan din ni Will Smith
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Mas lalo pa siyang humanga nang malamang may YouTube channel din ang dalawa na "Agaw Jake and JoemarTV" at ang kinikita nila rito ay ibinabahagi rin nila sa kanilang mga kaanak.

Sa tulong ng kanilang pinsan na siyang nag-eedit ng kanilang videos, nakakapag-upload sila sa kanilang YouTube channel.

Cellphone lamang ang gamit ng kanilang pinsan at napapagastos talaga sila sa pag-upload ng video dahil mobile data lamang ang kanilang ginagamit.

Nang malaman ito ni Tulfo, sinabi niyang bibilhan niya ng magandang klase ng laptop ang kambal upang mas maganda ang magiging kalidad ng kanilang mga video.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ang lolo at lola lalo na ang ina ng kambal na siyang sumusuporta sa talento ng dalawa ay mabibiyayaan din ni Tulfo ng Php25,000 bawat isa. Maging ang video editor ng dalawa ay mabibigyan din ng camera.

Read also

17-anyos na raketera, hands-on sa ipinatatayong bahay para sa kanyang ama

Nagbigay suporta rin si Tulfo sa dalawa at sinabing tutulungan niya itong makahikayat upang dumami rin ang YouTube subscribers ng dalawa.

Tuwang-tuwa talaga sina Jake at Jomar na labis na nagpsalamat sa kanilang Idol Raffy. Unti-unti daw nitong tinupad ang kanilang mga pangarap.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, natulungan din ni Raffy Tulfo ang ang kambal na walang paningin na iniwan pa ng kanilang ina.

Read also

Ilang Sariaya farmers, personal na nagbahagi ng gulay sa community pantry sa QC

Gayundin ang isang amang asin vendor na may apat na mga anak at iniwan na ng kanyang misis. Natulungan niya itong makakuha ng maayos na tirahan at binigyan din niya ito ng munting negosyo bilang kanilang pangkabuhayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica