Kambal na walang paningin at iniwan na ng kanilang ina, natulungan ni Tulfo
- Natulungan ni Raffy Tulfo ang batang kambal na iniwan na ng kanilang mga magulang
- Ang masaklap, parehong walang paningin ang mga bata na itinataguyod na lamang ng kanilang lola
- Subalit dala ng hirap ng buhay, aminadong hindi na kaya ng lola ang mga gastusin para sa dalawang apo
- Kaya naman lumapit na sila kay Raffy Tulfo at hindi naman sila binigo nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Napasaya ni Raffy Tulfo ang kambal na sina Gabriel at Miguel mula sa Zamboanga Del Norte.
Dumulog sa programa ni Tulfo ang lola ng dalawa na si Violeta Delmo dahil aminado itong nahihirapan na sa pagtataguyod sa kambal.
Nalaman ng KAMI na sa murang edad na pito, iniwan na sila ng kanilang ina at ang kanila namang ama ay wala ring hanapbuhay.
Ang nakakadurog pa lalo ng puso sa kanilang sitwasyon ay pareho pa silang persons with disability dahil pareho silang walang paningin.
Hiling ng kanilang lola na mabilhan ng pagkain at damit ang mga bata.
Sa larawang ipinadala nila sa Wanted sa Radyo, makikitang wala ngang salawal ang dalawa.
Ayon sa tiyahin ng kambal, labis na nangangailangan ang kanilang pamilya lalo na at pinaaalis pa sila sa tinitirikan ng kanilang bahay.
Dagdag pa ito sa suliranin nila sa araw-araw na paghahanap nila ng pagkukunan ng makakain.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Kaya naman hindi nagdalawang-isip si Tulfo na padalhan agad ng Php50,000 ang kambal at lola nito.
Nang tanungin naman mismo ni Tulfo ang magkapatid, nagulat siya nang sabihin ng mga ito na pagkain lamang at mga laruan ang kanilang nais. Hiling din nilang makatikim ng lechon na tinupad din ni Tulfo.
Labis na nagpapasalamat ang maglo-lola sa kanilang mga nantanggap. Sa update din na ipinakita ng programa, ginamit na puhunan ni lola sa kanyang munting tindahan ang padalang pera ng kanilang Idol Raffy.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa sa mga natulungan ng programa ni raffy Tulfo kamakailan ay ang curfew violator na nasawi sa umano'y pananakit na nagawa sa kanya ng dalawang tanod sa lugar.
Gayundin ang mga babae sa Pasig City na na-bash sa umano'y paghahakot nila ng laman ng community pantry ng kanilang lugar.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh