2 tanod na itinuturo sa pagkamatay ng isang curfew violator, bumagsak sa lie detector test
- Inilabas na sa programa ni Raffy Tulfo ang resulta ng lie detector test sa dalawang tanod at mga saksi sa pagkamatay ng isang curfew violator sa Laguna
- Lamabas na nagsasabi ng totoo ang mga saksi habang bagsak sa isinagawang lie detector test ang mga tanod
- Sinigurado naman ni Tulfo na tutulong siya sa pamilya ng mga biktima ngayong nalaman na nila ang nagsasabi ng katotohanan
- Wala nang naibigay pa ng pahayag ang mga tanod na haharapin ang anumang reklamong isasampa sa kanila ng pamilya ng violator
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi sa programa ni Raffy Tulfo ang mga resulta ng lie detector test na isinagawa sa mga tanod ng Brgy. Turbina sa Laguna na siyang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng sinasabing curfew violator na si Ernanie Jimenez.
Nalaman ng KAMI na bukod sa mga tanod, sumailalim din sa polygraph test ang saksi na nagdetalye ng umano'y pananakit ng tanod na siyang naging dahilan ng pagkasawi ng kapitbahay.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Lumabas na nagsasabi ng totoo ang saksi na si Janet Delos Santos at nagsisinungaling naman ang dalawang tanod na sina Jomel Ortiz at Arjay Abiera.
Dahil dito, susuportahan ni Tulfo ang pamilya ni Jimenez sa kaukulang aksyon na gagawin nila upang makamit ang hustisya ng pagkamatay ni Ernanie.
Nangako naman ang dalawang tanod na haharapin nila ang anumang reklamong isasampa sa kanila ng pamilya Jimenez.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.9 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Dumulog sa programa ni Tulfo ang pamilya Jimenez noong Abril 13 upang humingi ng tulong na makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Ernanie. Naganap ang insidente noong Abril 7 kung saan ang greater Manila area ay nasa ilalim pa ng enhanced community quarantine.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh