2 akusadong tanod sa pagkamatay ng isang curfew violator, ipina-Tulfo na

2 akusadong tanod sa pagkamatay ng isang curfew violator, ipina-Tulfo na

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang kapatid ng curfew violator na pumanaw sa umano'y pagbubugbog ng dalawang tanod

- Kinapanayam ni Tulfo ang dalawang tanod at sinabing nagtangkang tumakas ang curfew violator na kanila lamang pinigilan

- Sinabi rin nilang nakakainom umano ang kanilang nahuli na bibili lamang daw ng pagkain

- Isang testigo ang nagsabi na nakita mismo niya ang pananakit umano ng dalawang tanod sa kalaunang pumanaw na curfew violator

- Dahil dito, ipapa-lie detector test ni Tulfo ang mga tanod pati na rin ang saksi upang malaman kung sino ang nagsasabi ng katotohanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi na ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo ang kapatid ng pumanaw na curfew violator na si Ernanie Jimenez.

Kwento ni Glendien Jimenez, kapatid ng biktima lumabas lamang umano si Ernanie bandang alas diyes ng gabi para bumili ng pagkain.

Read also

Raffy Tulfo, nakapanayam muli ang OFW na sobrang nakapagpatawa sa kanya sa RTIA

Nang mga panahong iyon, Abril 7, nasa ilalim pa ng enhanced community quarantine ang Laguna kaya naman nahuli si Ernanie sa paglabag sa ipinatutupad na curfew.

2 akusadong tanod sa pagkamatay ng isang curfew violator, ipapa-lie detector test ni Tulfo
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Nagpaalam daw lamang ito na mag-CR ngunit nagtangka rin ito umanong tumakas dahilan para siya ay habulin ng mga tanod.

Nalaman ng KAMI na kinausap din ni Tulfo ang dalawa umanong tanod na akusado sa pagkamatay ni Ernanie dahil sa pagkakabagok ng ulo nito.

Sa salaysay naman ng mga tanod, nang dadalhin pa lamang sa barangay hall ang violator, nagtangka na raw umano itong tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa tricycle.

Bukod sa lumabag sa curfew si Ernanie, nakakainom pa raw ito nang mahuli nila sa labas.

Gumawa pa umano ng eksena ang violator na nagtanggal pa ng damit dahilan para masiko ang isang tanod.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Sakit sa dibdib! Tulong ni Raffy Tulfo, 'di na nahintay ng lolang may sakit

Hindi nabanggit ng tanod ang umano'y pananakit nila kay Ernanie at ang sinasabi nilang dahilan ng pagkakabagok ng ulo nito ay ang aksidente niyang pagtapak sa hawak niyang damit.

Subalit, taliwas ito sa pahayag ng saksi na si Janet Santos. Nakita raw niya ang aktwal na pananadyak ng tanod sa biktima na bumalandra pa raw sa may posteng bakal sa kanilang lugar.

Nakita rin ng saksi ang pagpupumiglas ni Ernanie na sinubukan pa ring tumakbo ngunit napatid na siya ng isa pang tanod dahilan para mabagok umano ang ulo nito.

Upang malaman ni Tulfo ang katotohanan, ipapa-lie detector test niya ang dalawang akusadong tanod gayundin si Janet. Ito ay para malaman din niya ang nararapat niyang tulungan sa kasong ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Asin vendor at mga anak na nakatira sa kariton, nabago ang buhay dahil kay Raffy Tulfo

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga mga natulungan ni Tulfo kamakailan ay ang nag-viral na security guard na umano'y isang buwan na hindi pinasasahod. Agad niyang kinausap ang agency ng mga sekyu at sinabing magbibigyan na ang mga ito ng kanilang inaasahang sahod.

Gayundin ang isa pang curfew violator na namatay umano dala ng matinding hirap na sinapit sa parusang push-up na umabot sa 300 beses.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica