Sakit sa dibdib! Tulong ni Raffy Tulfo, 'di na nahintay ng lolang may sakit

Sakit sa dibdib! Tulong ni Raffy Tulfo, 'di na nahintay ng lolang may sakit

-Hindi na nga nahintay ng 62-anyos na si lola Corazon Vinuya ang tulong na ipinadala ni Raffy Tulfo sa kanya

-Isang araw pagkatapos makausap ni idol Raffy, pumanaw na si lola Corazon

-Noong Marso, maswerteng natawagan ng programa ni Tulfo ang pamangkin ng matandang babae na humingi ng tulong para rito

-Napag-alamang nagkaroon ng cancer si lola Corazon na nag-ugat lang sa nabunot na ngipin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na nga nahintay ng 62-anyos na si lola Corazon Vinuya ang tulong na ipinahatid ni Raffy Tulfo para rito.

Isang araw pagkatapos makausap ni Tulfo ang matanda ay pumanaw na ito dahil sa sakit na iniinda nito.

Sa isang episode ng Raffy Tulfo in Action noong Marso, maswerteng natawagan ng programa ang pamangkin ni lola Corazon na si Arlene Borja, na humingi ng tulong para rito.

Read also

Asin vendor at mga anak na nakatira sa kariton, nabago ang buhay dahil kay Raffy Tulfo

Sakit sa dibdib! Tulong ni Raffy Tulfo, 'di na nahintay ng lolang may sakit
Photo: Screen grab from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Napag-alamang nagkaroon ng cancer ang matandang babae na nagsimula lang daw nang mabunot ang ngipin nito noong isang taon.

Lumala at tinubuan ng malaking bukol ang bibig ni lola Corazon kaya hirap na itong kumain at magsalita. Sobrang payat na rin ito at nakahiga nalang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon kay Arlene, hindi nila nagawang patignan ang tiyahin dahil nasa ibang lugar daw ito nang magyari iyon at nataon pa na nag-lockdown dulot ng pandemya.

Hindi na rin daw ginusto pa ni lola Corazon na magpatingin pa sa doktor. Ngunit nakiusap si Arlene na mapa-CT scan ito.

Agad namang nagpaabot ng tulong si Tulfo para sa matanda kasama ng halagang idinonate ng isang netizen.

Ngunit bago pa man makarating ang tulong ni idol ay binawian na ng buhay si lola Corazon.

Nagluluksa ang pamilya nito at inalala ang kabutihan nito para sa kanilang lahat. Labis namang ikinalungkot ni Tulfo ang nangyari.

Read also

PBA player Jio Jalalon, tuluyan nang ipina-Tulfo ng kanyang misis dahil sa umano'y panloloko

Ganunpaman, patuloy na nagbigay ng tulong si idol Raffy sa mga naulila ni lola Corazon. Bukod sa tulong pinansiyal ay binayaran din nito ang gastos para sa burol ni lola Corazon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Sa isa pang report ng KAMI, isang OFW naman na nagpasaklolo kay Tulfo ang biglaang pumanaw habang pauwi sa bansa.

Ayon sa mga kaanak nito, tila nagpahiwatig pa nga raw ito bago pumanaw.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone