OFW na tinulungan ni Tulfo at pumanaw habang pauwi, nagpahiwatig pa

OFW na tinulungan ni Tulfo at pumanaw habang pauwi, nagpahiwatig pa

- Naiiyak na ikinuwento ng kapatid ng OFW na si Leonida Morales ang mga huling pag-uusap nila ng namayapang kapatid

- Si Leonida ang OFW na pumanaw sa loob ng eroplano habang ito ay pauwi sa bansa

- Dumulog ito sa programa ni Tulfo kamakailan para makauwi sa bansa matapos tamaan ng malubhang sakit

- Ayon sa kapatid nito, tila nagpahiwatig na nga ito na hindi makakauwi sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis-labis ang pagluluksa ng pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na si Leonida Morales nang makapanayam ang mga ito ng programang "Raffy Tulfo in Action".

Si Leonida ang OFW na pumanaw habang sakay ng eroplanong pauwi sa Pilipinas noon lang nakaraang Huwebes.

OFW na tinulungan ni Tulfo at pumanaw habang pauwi, nagpahiwatig pa

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Matatandaang dumulog si Leonida sa programa ni Raffy Tulfo kamakailan para humingi ng tulong na siya ay makauwi na sa bansa matapos dapuan ng malubhang sakit.

OFW na nagpasaklolo kay Raffy Tulfo, pumanaw habang pauwi sa Pinas

Sa panayam dito ni idol Raffy ay kita ang sakit na iniinda nito at nagmakaawang makauwi na sa kanyang pamilya sa Nueva Ecija.

Pero ayon sa kapatid nito na si Isabelita Dela Rosa, tila nagpahiwatig pa sa kanya si Leonida.

Kwento nito, sinabi raw ni Leonida na pakiramdam daw nito ay hindi na ito makakauwi pa.

Bago naman ito umuwi ay nagbilin pa raw ito na hintayin ang tawag ng OWWA sa kanya sa araw ng pag-uwi nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Ang sabi niya sa akin nong sasakay na siya sa eroplano, pakinggan ko raw mabuti 'yung sasabihin niya, at ang sabi niya, binigay raw niya 'yung contact number ko sa OWWA. Huwag ko raw ilalayo sa katawan ko at tatawagan ako ng OWWA.
"Hintay ako ng hintay maghapon. Nong mag-aalasinko ng hapon, tumawag sa akin 'yung kanyang ma'am Cora. At ang sabi ano raw balita namin, kung meron na. Sabi ko wala, ako nga kako e nag-iisip kung bakit alang kontak.
OFW, binigyan ng limpak-limpak na salapi ng employer niyang sikat na Australian vlogger
"Tapos 'di nagtagal OWWA naman ang tumawag at kinumpirma sa akin kung kilala ko 'yung Leonida, kaano-ano ko, kung may pamilya. Ta's sabi ko walang asawa, dalaga at uuwi na nga kako ngayon. Sabi nakikiramay sila at namatay sa eroplano," ayon kay Isabelita.
"Kaya pala kako siya sabi nung aalis na siya, huwag kong ilalayo 'yung aking cellphone sa tabi ko at tatawagan ako ng OWWA. 'Yun pala 'yung huling ano niya sa akin.
"Tsaka noong nakakaraang araw bago siya umuwi, para raw hindi siya uuwi. 'Yun 'yong mga paramdam niya sa akin, parang 'di naman daw siya uuwi," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Rider, umalma nang pagtulungan ng mag-asawang nakaalitan sa kalye

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, isang OFW lumapit kay idol matapos niyang madiskubre ang panlalalaki ng kanyang misis na nagkaroon ng dalawang kabit!

Habang isa namang OFW ang umiyak na lamang nang harapang umamin ang kanyang misis na naanakan ito ng isang kapitan!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel