Asin vendor at mga anak na nakatira sa kariton, nabago ang buhay dahil kay Raffy Tulfo
- Talagang nabago ang buhay ng asin vendor na naihingi ng tulong ng nagmalasakit na netizen kay Raffy Tulfo
- Bukod sa iniwan ng misis ang tindero ng asin at apat nitong anak, sumisilong lamang ang mag-aama sa kariton na ginagamit nito sa paghahanapbuhay
- Nakahanap na ang staff ni Tulfo ng matitirahan ng mag-aama at nabayaran na rin nito ang kalahating taon upa
- Binigyan din ng food cart business ang dating asin vendor para hindi na ito kailangan lumayo sa paglalako lalo na at maliliit pa ang kanyang mga anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa na namang buhay ang nabago ni Raffy Tulfo nang matulungan niya ang dating asin vendor na si Zaldy Magante.
Nalaman ng KAMI na ang kanilang kapitbahay na si Jamaica Rose Nebato ang siyang lumapit sa programa ni Tulfo upang matulungan ang mag-aama na iniwan ng kanilang ina at sumama umano sa tomboy.
Bukod pa rito, labis na ikinababahala ni Jamaica ang kalagayan ng mga anak ni Tatay Zaldy dahil sa kariton lamang ang kanilang sinisilungan.
Kaya naman habang naghahanap ang staff ni Raffy Tulfo ng maaring matuluyang bahay ng pamilya ni Tatay Zaldy, nai-check in muna nila ang mag-anak sa isang hotel.
Ipinamili na rin nila ito ng mga pagkain, damit at iba pang pangangailangan ng mag-aama.
Mababakas ang saya ng mga bata lalo na at noon lamang sila nakaranas ng naka-aircon at makakapanood na raw sila ng mga programa sa telebisyon.
Nang makahanap na ng lugar na malilipatan ng mag-aama, binayaran na rin ng staff ni Tulfo ang anim na buwang upa rito upang hindi mamroblema si Tatay Zaldy.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Upang hindi na lumayo sa paglalako at magkaroon ng maayos na kita ang ama, binigyan na rin siya ng food cart business ni Tulfo.
Doon makapaglalako siya ng merienda at mga prutas at gulay nang hindi na kailangan pang madalas na iwan ang maliliit niyang mga anak.
Samantala, maging si Jamaica na siyang dumulog kay Tulfo para matulungan ang mag-aama ay nabigyan din ng biyaya.
Binigyan din siya ng online business ni Tulfo lalo na at wala rin daw pala siyang trabaho gayung mayroon na rin siyang isang anak.
Labis na nagpapasalamat sina Tatay Zaldy at Jamaica sa tulong na ipinagkaloob sa kanila ng kanilang Idol Raffy.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa sa mga natulungan kamakailan ni Tulfo ang isa ring ama na nag-viral dahil sa supresa ng kanyang mga anak na plastik na lobo para sa kanyang kaarawan. Nabigyan ng tulong pinansyal ni Tulfo ang mag-anak at isang netizen na may mabuting kalooban ang nagbigay ng karagdagang biyaya sa kanila.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh