Vlogger, natulungan ang mag-asawang matanda na halos hindi nabibigyan ng ayuda

Vlogger, natulungan ang mag-asawang matanda na halos hindi nabibigyan ng ayuda

- Isang vlogger ang nagmalasakit na bigyan ng tulong ang nakatira sa isang barong-barong malapit na sa kalsada

- Napag-alaman niyang mag-asawang senior citizen ang mga nakatira roon at ang lola pa ay mahina na talaga ang pangdinig

- Bihira silang maambunan ng ayuda sa kabila ng kalagayan kaya naman kung kailan lamang sila mabigyan ng pera ng mga anak saka lang sila nakakakain

- Mababakas ang ngiti sa lolo nang matanggap ang isang sakong bigas na bigay sa kanila ng vlogger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang nakakaantig ng puso ang pagtulong ng vlogger na si Denso Tambyahero sa mag-asawang matanda na nakatira lamang sa isang barong-barong.

Nalaman ng KAMI na napansin lamang ni Denso mula sa kalsada ang tahanan ng mag-asawa kaya inusisa niya kung sino ang nakatira roon.

Una niyang nadatnan ang lola na mahina na pala ang pandinig kaya hindi agad siya sinasagot nang tinatawag niya ito.

Read also

OFW, ibinahagi ang nakamamangha niyang diskarte sa pagpupundar ng mga ari-arian

Vlogger, natulungan ang mag-asawang matanda na halos hindi nabibigyan ng ayuda
Photo from Denso Tambyahero
Source: UGC

Nang tuluyang makapasok sa may bahay, naroon din pala ang asawa ng matanda na siyang nakausap niya.

Naikwento nito na bihira lamang sila mabigyan ng ayuda sa kabila ng kanilang kalagayan.

May mga anak naman silang nagbibigay sa kanila ng panggastos ngunit hindi ito regular.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Lalo na at may mga karamdaman pa ang kanilang mga apo kaya naman gipit din sa pera ang kanilang mga anak.

Dahil dito, mas lalong ginanahan si Denso na ibigay ang isang sakong bigas sa mag-asawa.

Nang kanya na itong madala sa barong-barong, mababakas ang saya ng lolo sa kanilang natanggap. Babahaginan din niya ang kanyang mga anak.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Denso Tambyahero:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Masipag na batang naglalako ng mga halaman at gulay, umantig sa puso ng netizens

Denso Tambyahero ay isang YouTube content creator na kilala sa mga videos niya nagpapakita ng pagtulong sa kapwa nating hikahos sa buhay.

Naka-motor si Denso at tumutulong talaga sa mga nadaraanan niyang taong pansin niyang labis na nangangailangan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa natulungan ni Denso kamakailan ay ang lalaking napaupo na lamang sa kalsada dala ng matinding gutom.

Gayundin ang isang ama na inabutan na ng ulan sa pangangalakal dahil wala na umanong makain ang kanyang pamilya. Binigyan ni Denso ito ng bigas at perang panggastos sa mga susunod na araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel