Lalaking napa-upo sa gilid ng kalsada sa tindi ng gutom, natulungan ng napadaang vlogger

Lalaking napa-upo sa gilid ng kalsada sa tindi ng gutom, natulungan ng napadaang vlogger

- Natulungan ng vlogger na si Denso Tambyahero ang isang lalaki na napa-upo na lang sa gilid ng kalsada sa tindi ng gutom

- Napadaan lamang si Denso sa kinaroroonan ng lalaki na hilong-hilo na at hindi pa nakakakain

- Laking gulat ng lalaki nang pakainin at painumin siya ni Denso at bigyan pa ng mga groceries

- Hindi napigilang maiyak ng lalaki nang abutan pa siya ni Denso nang tulong pinansyal dahil marami na raw itong naitulong sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natulungan ng vlogger na si Denso Tambyahero ang isang lalaking napansin niyang nakaupo sa gilid ng kalsada dahil umano sa matinding gutom.

Nalaman ng KAMI na nadaanan ni Denso ang lalaking nagpakilalang si Ruben na hinang-hina at nahihilo.

Bandang alas singko na ng hapon nang makita ni Denso ang lalaki na hindi pa pala kumakain. Aniya, dinaraanan lang siya ng mga tao at motorista ngunit tanging si Ruben lamang ang nagmalasakit na alamin ang kanyang kalagayan.

Read also

Ama na bitbit ang anak sa pagtatrabaho, natulungan ng napadaang vlogger

Lalaking napa-upo sa gilid ng kalsada sa tindi ng gutom, natulungan ng napadaang vlogger
Photo credit: Screengrab from Denso Tambyahero
Source: UGC

Tubig lang sana ang hiling ni Ruben, ngunit pansin ni Denso ang matinding gutom nito kaya naman makakain at maiinom ang ibinili niya para rito.

Nang makakain at makainom, makikitang bumuti na ang kalagayan ng lalaki. Binigyan na rin ni Denso ng groceries si Ruben lalo na nang malaman na mayroon pa pala itong pamilya na naghihintay sa kanyang pag-uwi.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ititinda rin sana ng lalaki sa junk shop ang kanyang mga naipon na karton, subalit dahil hapon na, marahil sarado na raw ito.

PHP50 lamang sana ang halaga ng ipagbibiling karton at dahil dito, nagbigay pa muli ng tulong pinansyal si Denso.

Napaiyak talaga si Ruben sa labis na pasasalamat dahil hindi niya akalain na mayroong magmamalasakit sa kanya sa kanyang kalagayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Palaboy na laging may ballpen at papel, nagpakilala bilang isang abogado

Si Denso Tambyahero ay isang YouTube content creator na kilala sa mga videos niya nagpapakita ng pagtulong sa kapwa nating hikahos sa buhay.

Naka-motor si Denso at tumutulong talaga sa mga nadaraanan niyang taong pansin niyang labis na nangangailangan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nabigyan niya ng maagang pamasko ang isang unan vendor na naglalako mula probinsya ng Rizal hanggang sa Makati City nang naglalakad.

Gayundin ang isang ama na inabutan na ng ulan sa pangangalakal dahil wala na umanong makain ang kanyang pamilya. Binigyan ni Denso ito ng bigas at perang panggastos sa mga susunod na araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: