Palaboy na laging may ballpen at papel, nagpakilala bilang isang abogado

Palaboy na laging may ballpen at papel, nagpakilala bilang isang abogado

- Isang vlogger ang nakapansin sa isang lalaking palaboy na laging nagsusulat at nasa gilid lamang ng kalsada

- Nang ito ay kanyang kausapin, nagpakilala siyang isang abogado at marami ring nababanggit tungkol sa mga batas

- Subalit mas kapansin-pansin daw sa palaboy ang husay nito sa pagguhit

- Sinubukan ng vlogger na kumbinsihin itong umuwi na lamang sa kanyang pamilya ngunit tila malaki na ang hinanakit niya sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa mga natulungan kamakailan ng vlogger na si TechRam ay ang napansin niyang palaboy na laging may hawak na papel at ballpen.

Nalaman ng KAMI na lakas loob itong kinausap ng vlogger kahit kapansin-pansing tila wala na ito sa wastong pag-iisip.

Nagpakilala naman ang palaboy na si Tatay Freddie at ayon sa kanya, isa umano siyang abogado.

Palaboy na laging may ballpen at papel, nagpakilala bilang isang abogado
Tatay Freddie (Photo credit: TechRam)
Source: UGC

Halos maayos pa namang kausap si Tatay Freddie lalo na nang tanungin ng ilang detalye tungkol sa kanyang pamilya.

Read also

Ama na bitbit ang anak sa pagtatrabaho, natulungan ng napadaang vlogger

Katunayan, hindi naman siya nalalayo sa mga ito subalit siya lang ang talagang ayaw nang umuwi.

Madalas din niya umanong mabanggit ang hinanakit sa mga kaanak na nabanggit niyang "nilalamangan" siya.

Bukod sa pagsusulat, kapansin-pansin ang husay nito sa pagguhit.

Nang subukan siyang kumbinsihin ni TechRam na iuwi o madala manlang sa maayos na matutuluyan, tumanggi ito kahit sa pangalawang pagbalik ng vlogger na matindi na ang ulan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala, nang kapanayamin naman ni TechRam ang pamilya ni Tatay Freddie, halos tumutugma ang ilang nabanggit nito sa mga naibahagi ng kanyang pamilya.

Hindi pala isang abogado si Tatay Freddie ngunit biniyayaan naman ito ng talento sa pagguhit ng disenyo ng mga bahay.

Nalulungkot nga ang kanyang pamilya na ganoon ang sinapit ng ama ng kanilang tahanan.

Sinasabing ang pag-iinom at barkada umano ang isa naging dahilan ng nangyari kay Tatay Freddie sumabay pa ang kanilang mga pagsubok sa buhay.

Read also

Pamilyang napabayaan ang bigay na tindahan ng isang vlogger, bibigyan pa ng 2nd chance

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni TechRam:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si TechRam ay isa sa mga kilalang vlogger sa bansa na ang kadalasang content ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa. Mayroon na siyang 1.25 million subscribers sa YouTube.

Isa sa mga tinutukan niyang tulungan ay ang matandang mag-isang namumuhay at nagtitiis sa bahay niyang may nakasusulasok na amoy.

Napaayos ni TechRam ang bahay ng matanda na si Nanay Luz at ipinamili na rin niya ito ng kagamitan. Madalas niyang itong balikan upang kumustahin ang kanyang kalagayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica