Pamilyang napabayaan ang bigay na tindahan ng isang vlogger, bibigyan pa ng 2nd chance

Pamilyang napabayaan ang bigay na tindahan ng isang vlogger, bibigyan pa ng 2nd chance

- Bibigyan pa ng isa pang pagkakataon ng vlogger na si TechRam ang pamilyang napabayaan ang naibigay niyang tindahan

- Nang balikan niya ang pamilya ni Nanay Mylene na minsan niyang natulungan, laking gulat niya na wala na ang tindahan nito

- Hinandugan kasi ng kanyang grupo si Nanay Mylene at pamilya nito ng tindahan upang sila ay mayroong pagkakitaan

- Sa kasamaang palad naipa-utang lamang daw niya sa kanyang mga anak ang mga paninda at hindi naman daw ito nagbayad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binalikan muli ng vlogger na si TechRam ang pamilyang nakatira sa gilid ng kalsada upang kumustahin ang mga ito.

Nalaman ng KAMI na pagbabalik ng vlogger, laking gulat nito na wala na ang tindahang ipinagkaloob nila sa pamilya ni Nanay Mylene na noo'y mayroong karamdaman.

Nang tanungin ni TechRam kung ano ang nangyari sa tindahan na kanilang naibigay, naipa-utang lamang daw nila sa anak ang mga paninda at hindi naman daw umano nagbabayad.

Read also

Basel Manadil, lalong hinangaan nang ipaalam ang family background niya

Pamilyang napabayaan ang bigay na tindahan ng isang vlogger, bibigyan pa ng 2nd chance
Photo credit: TechRam
Source: UGC

Bagama't mas maayos na raw ang lagay ni Nanay Mylene na nakakatayo na, isa pa muling suliranin ang kanilang kinakaharap.

Pinalalayas na kasi sila ng kapitan ng lugar dahil bawal umano ang magtayo ng barong-barong sa gilid ng kalsada.

Dahil dito, hindi naiwasan ni TechRam na pangaralan ang pamilya dahil sa mga nasayang na tulong na naibigay sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nabanggit kasi ni TechRam na nakiusap na sila noon sa kapitan at pinayagan naman ang pamilya na manatili. Subalit napansin ng vlogger na marumi ang lugar at hindi nalilinis ng mag-anak na maaring dahilan kung bakit sila pinaaalis.

"Parang hindi ho tayo natututo sa sarili po natin... ayan po makalat,"
"Huwag po kayong magagalit tatay, nanay... sa nakikita ko po, yung naibigay kong pagkakataong ibinibigay ho sa atin sana ho napag-iingatan natin. Gaya ho niyan, simpleng mga gawain po, hindi ho natin magawa."

Read also

Driver at pasahero kaugnay sa "AirPods" issue, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo

Sa kabila ng tila sermon sa pamilya, handa pa rin si TechRam na bigyan sila ng isa pang pagkakataon.

Ilan din sa kanyang mga subscribers ay nagpaabot ng tulong sa pamilya ni Nanay Mylene.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si TechRam ay isa sa mga kilalang vlogger sa bansa na ang kadalasang content ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa. Mayroon na siyang 1.25 million subscribers sa YouTube.

Isa sa mga tinutukan niyang tulungan ay ang matandang mag-isang namumuhay at nagtitiis sa bahay niyang may nakasusulasok na amoy.

Napaayos ni TechRam ang bahay ng matanda na si Nanay Luz at ipinamili na rin niya ito ng kagamitan. Madalas niyang itong balikan upang kumustahin ang kanyang kalagayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica