Basel Manadil, lalong hinangaan nang ipaalam ang family background niya
- Kamakailan ay ibinahagi ng vlogger na si Basel Manadil ang tungkol sa kanyang pamilya
- Nabanggit niyang ang kapatid niyang lalake ay isang mahusay na doktor sa France
- Nasabi rin niyang ang kapataid naman niyang babae ay mataas ang katungkulan sa isang malaking ospital sa Saudi Arabia
- Ang kanyang ama ay isang engineer habang ang ina ay isang guro kaya naman masasabing maayos at propesyunal ang kanyang kinabibilangang pamilya
- Mas lalo siyang hinangaan ng mga netizens nang malaman ang impormasyong ito kay Basel na kinakitaan pa rin ng kababaang loob
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kamakailan ay ibinahagi ng kilalang vlogger sa bansa na si Basel Manadil ang tungkol sa kanyang pamilya na hindi pa niya naisasapubliko.
Nalaman ng KAMI na pamilya ng mga batikang propesyunal ang mga kapatid at mga magulang ni Basel kaya naman masasabing mula siya maayos at may kayang pamilya.
Ayon kay Basel, isang mahusay na doktor sa France ang kapatid niyang lalake habang ang kapatid naman niyang babae ay may mataas na katungkulan sa isang malaking ospital sa Saudi Arabia.
Super proud si Basel sa kanyang mga kapatid na nilarawan pa niyang bilang mga "very very smart."
Samantala, isa naman umanong engineer ang ama ni Basel na nasa France din at ang ina naman ay isang guro na nasa Saudi.
Kaya naman masasabing mula sa pamilya ng mga propesyunal si Basel na may kaya at nakaaangat sa buhay.
Dahil dito, mas hinangaan siya ng mga netizens dahil sa kabila ng di nila maitatangging yaman, mas pinili niyang magpakumbaba at manatili sa Pilipinas upang makatulong sa mga Pilipino.
Ayon sa mga netizens, imbis na mamuhay sa karangyaan, inilaan na lamang ni Basel ang kanyang buhay sa mga kapos-palad nating mga kababayan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan pa sa mga komento ng netizens na lalong binigyang puri si Basel sa pagiging isang mabuti at mapagpakumbabang tao.
"His brothers is a doctor in France. Sister is executive director in a well known hospital. He came from a very rich family but he’s so humble and down to earth"
"You have such a kind heart to other's and a humble soul. Stay kind and generous Basil."
"Engineer father, teacher Mom, doctor brother, sister officer: Basel Syrian and Filipino by heart, engineer, famous vlogger, compassionate, generous. well-loved by millions of Filipinos etc."
"You are not just an engineer, Sir Basel, you are a GOD given person sent ftom above. You are very successful because you have a good heart and compassion to those deserving people."
"Basel came from a well off family but he’s so down to earth."
"I bet they’re as proud as you with all your achievements and benevolence for being such an altruistic philanthropist and for an amazing entrepreneur!"
"Basel's family is beautiful inside and out, the reflections we can in Basel how he share,love and help the least fortunates Filipinos. God bless you and your real heroes family"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay natulungan ni Basel ang nag-viral na rider na nag-bike mula sa Binondo hanggang Cavite.
Upang mas marami pa siyang matulungan na mga Pinoy na nangangailangan ng trabaho. binuksan pa rin niya ang isang Korean store sa kabila nangyari sa kanila sa isa pa niyang natulungan na tinatawag niyang "Abeoji."
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh