Dancer, 'di alam na nakipagrelasyon sa babaeng mayroon na palang asawa

Dancer, 'di alam na nakipagrelasyon sa babaeng mayroon na palang asawa

- Ibinahagi ng isa sa mga naging panauhain ng 'Bawal Judgmental' ang kanyang kwento bilang siya ay nakipagrelasyon sa babaeng mayroon na palang asawa

- Apat na taon ang itinagal ng kanilang relasyon bago niya malaman ang katotohanan

- Maging kasi magulang ng babae ay nagawa itong pagtakpan kaya naman hindi niya akalaing kasal na pala ang kanyang naging nobya

- Nagsama sila at nagulat na lamang siya nang biglang nagpaalam na uuwi na raw ang babae

- Iyon na ang naging mitsa ng kanilang paghihiwalay dahil siya mismo ang nakahuli sa lihim ng dating nobya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kontrobersyal ang kwento ng isa sa mga naging panauhin ng 'Bawal Judgmental' na si Kurt Patrick.

Nalaman ng KAMI na hindi agad nalaman ni Kurt na ang babaeng nakarelasyon niya ay kasal na pala sa iba.

P1.8 million na ipon na sana ng OFW, naitakbo at naubos ng GF

Kwento ni Kurt, nakilala niya ang babae dahil umano fan ito ng kanilang dance group. Pumupunta pa raw ito sa kanilang bahay hanggang sa sila ay nagkamabutihan.

Photo from 'Bawal Judgmental/Eat Bulaga'

Photo from 'Bawal Judgmental/Eat Bulaga'
Source: Facebook

Apat na taon ang itinagal ng kanilang relasyon. Nagsama pa sila at wala talaga siyang kaalam-alam na misis na pala ang kanyang nobya.

Hanggang sa dumating ang araw na nagpaalam nang uuwi sa kanila ang babae na hindi naman na niya napigilan.

Nang minsang lumabas si Kurt kasama ang kanyang mga kabarkada, nagulat siya nang makita ang motor na bigay niya sa nobya na nakaparada sa isang hotel.

Agad niya itong nai-test upang alamin kung ito nga ba ang nasa hotel. Nagawa pa umano nitong magsinungaling at sinabing ang ate niya ang gumamit noon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Doon na niya nabisto ang lihim ng nobya at ang kasama umano nito na lumabas sa hotel ay ang kanyang asawa.

Valentine Rosales ng Dacera case, emosyonal sa dami ng birthday greetings na natanggap

Minsang naikwento ng nobya maging ng pamilya nito na mayroon silang kaanak na nasa kulungan.

Iyon pala, ang asawa na ng babae ang nasa kulungan kaya naman nagawa nitong makipagrelasyon kay Kurt.

Napakasakit ng nangyaring iyon kay Kurt lalo na at first girlfriend niya ang babaeng nanloko umano sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Iba't ibang kwento ng pag-ibig ang naibahagi ng 'Bawal Judgmental.' Kamakailan, isang lalaki na nakapangasawa ng isang babaeng midget ang naging panauhin sa Eat Bulaga at ikinuwento kung paano sila nagkakilala dahil lang sa ₱20.

Naibahagi rin sa nasabing programa ang wagas na pag-iibigan nina Danny at Lorna Cortezano na kahit 34 na taon ang pagitan sa edad, nagawa pa rin nilang magkasundo at pagtibayin ang kanilang pagmamahalan. Sa kasamaang palad, bago matapos ang taong 2020, pumanaw na rin si Lorna.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel