Basel Manadil, super proud sa mga successful na kapatid na nasa medical field

Basel Manadil, super proud sa mga successful na kapatid na nasa medical field

- Ipinakita ng vlogger na si Basel Manadil ang kanyang mga kapatid na parehong nasa medical field

- Nagpadala umano sa kanya ang kanyang ina at kapatid na babae ng package kaya naman bahagyang ibinahagi na rin niya ang tungkol sa kanyang pamilya

- Ang lalaking kapatid ni Basel at isang mahusay na doctor sa France kung saan naroon din ang kanilang ama

- Habang ang kapatid naman niyang babae ay mataas umano ang posisyon sa isang ospital sa Saudi Arabia

- Halos sampung taon nang hindi nakikita ni Basel ang kanyang pamilya kaya naman aminado siyang nami-miss na niya ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita ng vlogger na si Basel Manadil ang kanyang dalawang kapatid na pareho umanong nasa medical filed.

Sa kanyang YouTube channel na 'The Hungry Syrian Vlogs,' ibinahagi niya ang unpacking ng package na padala umano sa kanya ng kanyang ina at kapatid na babae.

Read also

Sharee Roman ng RTIA, naiyak sa surpresang birthday greeting ng kanyang ina

Dahil dito, bahagya na ring nagkwento si Basel tungkol sa kanyang pamilya na walong taon na niyang hindi nakakapiling.

Basel Manadil, super proud sa mga successful na kapatid na nasa medical field
Basel Manadil (Photo credit: The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isang mahusay na doctor sa France ang kanyang kapatid na lalaki.

"He's a doctor, a big doctor in France, fighting "carbonara" all day mga tao," kwento ni Basel at ang tawag niya sa COVID-19 ay "carbonara."

Sinabi rin niyang super proud siya sa kapatid na napakahusay sa kanyang propesyon at maging noong ito ay nag-aaral pa, isa raw ito sa mga top students ng kanilang klase.

Samantala, ang kapatid namang babae ni Basel ay may mataas na katungkulan sa isang ospital sa Saudi Arabia.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Hanga-hanga rin umano siya sa kanyang kapatid na babae na nararapat lamang umano sa posisyon na narating niya sa ngayon dahil sadyang napakahusay daw talaga nito.

Read also

Basel Manadil, lalong hinangaan nang ipaalam ang family background niya

"My sister is so so smart as well, and her smartness is what lead her to have a very high position in a big hospital in Saudi Arabia."

Nabanggit din ni Basel na isang engineer ang kanyang ama na kasama ng kapatid niyang lalaki na nasa France habang ang kanyang ina naman ay dating guro na siyang kasama naman ng kapatid niyang babae sa Saudi.

Umaasa rin si Basel na bagama't magkakahiwalay sila sa ngayon, magkakasama-sama rin sila balang araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Read also

43-anyos na guest sa "Bawal Judgmental", malungkot sa pagiging "no GF since birth"

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga natulungan kamakailan ni Basel ay ang rider na nagawang mag-bike mula Binondo, Maynila hanggang Cavite para lang makapag-deliver.

Binigyan siya ni Basel ng malaking halaga ng salapi na halos ayaw niyang tanggapin. Bukod dito, sako-sakong cat food din ang binigay niya sa rider na mahilig din umanong mag-alaga ng mga pusa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel