Lolang mag-isang nakatira sa bahay na may kakaibang amoy, natulungan
- Natulungan ang isang lola na namumuhay na lamang na mag-isa sa pangangalakal
- Ipinakita rin ng lola ang kanyang tinitirhan na mayroong nakasusulasok na amoy
- Hindi na raw niya ito magawang maipaayos dahil inuuna na niyang lamnan ang kumakalam niyang sikmura
- Napatayuan ng bagong bahay at nabigyan pa ng ilang kagamitan sa bahay ang lola
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng marami ang kalunos lunos na kalagayan ng 50-anyos na si Luzviminda Pascual na mag-isang na lamang na namumuhay.
Nalaman ng KAMI na nakatira pa ito sa isang tagpi-tagping tirahan na mayroon di umanong nakasusulasok na amoy.
Putikan na rin ang loob ng bahay nito na siyang nakadaragdag sa dumi ng kanyang lugar.
Wala rin itong maayos na palikuran na siyang nagiging dahilan ng kakaibang amoy sa bahay.
Ang YouTube Channel na TechRam ang siyang tumulong sa matanda.
Nalaman nilang biyuda na pala si Nanay Luzviminda kaya naman mag-isa na lamang siyang nangangalakal para lang may makain sa araw-araw.
Sampu hanggang bente pesos lang ang kinikita na kadalasan sa isang araw na siyang pinagkakasya niya para makabili ng pagkain.
Naikwento pa niyang dadalawang piraso na lamang ang kanyang damit na pinagpapalit-palitan lamang niya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Nabanggit ni Nanay Luzviminda na mas pinili niyang mamuhay na lamang mag-isa dahil sa di magandang pakikitungo sa kanya ng kanyang kamag-anak.
Ang kakarampot nga raw niyang kinikita ay nakukuha pa ring hingin ng kamag-anak kaya mas minabuti niyang mag-isa kahit pa napakahirap ng kanyang sitwasyon.
Dahil dito, hindi pinalampas ng vlogger na hindi tulungan si Nanay Luzviminda. Una na niya itong inabutan ng ₱5,000 na mula raw sa isang tagasubaybay ng YouTube channel niya.
Ang ibang tulong ay minabuti niyang ipambili ng groceries at iba pang kakailanganin ni Nanay Luzviminda sa kanyang bahay.
Matapos nilang makapanayam ang matanda ay agad na pinasimulan ng vlogger ang pagpapaayos sa bahay ni Nany Luzviminda.
Pinasimento agad nito ang sahig ng bahay ng lola na siyang pinagmumulan ng mabahong amoy ng tirahan.
Inayos ang bubong at kisame nito at bahagyang pininturahan kaya naman malayong-malayo na ang itsura nito sa dating bahay ng lola.
Ipinamili na rin siya ng maayos na mga kagamitan sa bahay maging ang kama at mga unan din niya ay bago na rin.
Binigyan na rin si Nanay Luzviminda ng mga damit upang may maayos din itong maisusuot sa araw-araw.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang mga luha ng matanda sa unang panayam sa kanya ay napalitan na ng mga ngiti at pagpapasalamat sa mga di niya inaasahang biyaya.
Hindi nalalayo ang kwento na ito ni Nanay Luzviminda sa isang lolo na namumuhay ding mag-isa at natulungan ng mga motorcycle rider.
Gayundin ang isang matanda na naglalako sa gilid ng kalsada na mag-isa na lamang sa buhay na natulungan din lalo na hirap na itong makabenta dahil din sa pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh