Ama na bitbit ang anak sa pagtatrabaho, natulungan ng napadaang vlogger
- Natulungan ng vlogger na si Denso Tambyahero ang ama na bitbit ang anak sa paghahanapbuhay sa kalsada
- Nag-alinlangan pa ang ama sa pag-aakalang huhulihin siya ni Denso dahil sa bitbit niya ang kanyang anak
- Ayon sa ama, may mga anak pa siyang naiwan sa bahay kaya naman dinala na niya ang isa para mabawasan ang alagain ng asawa
- Laking pasalamat ng ama nang mabigyan sila ni Denso ng pambili ng pagkain at iba pang pangangailangan ng kanyang mga anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa na namang kababayan nating kapus-palad ang natulungan ng vlogger na si Denso Tambyahero.
Nalaman ng KAMI na napansin umano ni Denso sa may Ortigas Ave. ang isang lalake na may bitbit na batang nasa isang taong gulang pa lamang.
Kinausap ito ni Denso para matulungan ngunit nag-alinlangan noong una ang ama sa pag-aakalang sisitahin siya ni Denso dahil bitbit niya ang kanyang anak.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ngunit nang malaman ang totoong motibo ng vlogger, nakausap na rin niya ito ng maayos at nalamang anak nga nito ang dala-dalang bata.
Hindi pa raw iyon ang bunso niyang anak at may mga naiwan pa sa pangangalaga ng kanyang misis.
Sinabi nitong hindi naman sila madalas na mag-ama na nasa kalsada para mag-hanapbuhay maliban na lamang kung walang-wala na silang makain tulad ng araw na iyon.
Kaya naman agad na ring ibinigay ni Denso ang tulong niya sa mag-ama upang makauwi na ang mga ito at makabili ng pagkain at iba pang mga kailangan ng mga anak nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Denso Tambyahero ay isang YouTube content creator na kilala sa mga videos niya nagpapakita ng pagtulong sa kapwa nating hikahos sa buhay.
Naka-motor si Denso at tumutulong talaga sa mga nadaraanan niyang taong pansin niyang labis na nangangailangan.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay nabigyan niya ng tulong ang lalaking nahihilo na sa matinding gutom ngunit walang pumapansin sa kanya sa gilid ng kalsada.
Gayundin ang isang ama na inabutan na ng ulan sa pangangalakal dahil wala na umanong makain ang kanyang pamilya. Binigyan ni Denso ito ng bigas at perang panggastos sa mga susunod na araw.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh