Ama na basa sa ulan at gutom na nangangalakal, nais lamang mapakain ang apat na anak

Ama na basa sa ulan at gutom na nangangalakal, nais lamang mapakain ang apat na anak

- Viral ang video ng isang ama na patuloy sa pangangalakal sa kabila ng matinding gutom at pagbuhos ng ulan

- Isang vlogger ang nakakita sa lalaki sa gilid ng kalsada at alam niyang nangangailangan ito ng tulong

- Nang usisain ng vlogger ang lalaki, wala pa raw itong kain at nabasa pa siya sa ilan

- Halos tanggihan ng ama ang ibinibigay na tulong sa kanya ng vlogger at sinabing ang apat na lamang niyang mga anak ang bigyan ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ama na basa sa ulan at gutom na nangangalakal, nais lamang mapakain ang apat na anak

Si 'Christian' nang tanggapin ang tulong ng vlogger na si Denso Tambyahero (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Marami ang naantig ang puso sa video na ibinahagi ng vlogger at motorcycle rider na si Denso Tambyahero.

Nalaman ng KAMI na nadaanan ni Denso ang isang lalaking may hawak na sako sa gilid ng kalsada at nabasa ito sa ulan.

Dahil sa napansin niyang kailangan nito ng tulong, binalikan ito ng vlogger upang bigyan muna ng payong.

Doon niyang napag-alamang kumakalam ang sikmura ng lalaking nakilala niyang si Christian na nangangalakal sa kanilang lugar.

Bibilhan na sana ni Denso si Christian ng makakain ngunit tumanggi ito at sinabing ang mga anak na lamang niya ang bilhan ng vlogger.

Kaya naman nagdesisyon na si Denso na bilhan ang lalaki ng bigas na siyang maiuuwi nito sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ngunit dahil napansin ng vlogger na nangangatal na sa tindi ng gutom ang lalaki, binilhan pa rin niya ito ng makakain.

Kwento ni Christian, nawalan siya ng trabaho bilang isang construction worker dahil sa lockdown. Dahil dito, napilitan siyang mangalakal.

Dagdag pa sa suliranin nila ngayon ang sunog na naganap sa kanilang lugar.

Labis na nadurog ang puso ni Denso nang malaman ang kalagayan ng lalaki na apat na mga anak na binubuhay. Kaya naman nagdagdag pa siya ng ₱1,000 upang may pambili pa ito ng iba pang kailangan ng pamilya ni Christian.

Labis na nagpasalamat ang lalaki sa tulong na natanggap lalo na para sa kanyang pamilya na sa kanya umaasa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatutuwang isipin na sa panahon ng krisis, may mga taong may ginintuang puso na handang tumulong sa mga higit na nangangailangan.

Kahit pa pare-pareho nating dinaranas ang bagsik ng problema na dala ng COVID-19, likas sa ating mga Pilipino ang pagmamalasakit sa bawat isa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel