Unan vendor na naglalako mula Rizal hanggang Makati, nabigyan ng maagang pamasko

Unan vendor na naglalako mula Rizal hanggang Makati, nabigyan ng maagang pamasko

- Nabigyan ng tulong isang lalaki na naglalako ng unan mula Probinsya ng Rizal hanggang sa Makati City

- Napansin siya ng isang vlogger na ang motibo talaga ay humanap ng taong kanyang matutulungan sa pagbibiyahe niya gamit ang kanyang motorsiklo

- Naikwento ng tindero ng unana na minsan pa raw siyang naloko ng isang matanda na bumili sa kanya gamit ang pekeng P500

- Labis na nanlumo siya nang araw na iyon dahil mahirap ang kalagayan niya sa paglalako lalo na at natutulog siya sa kalsada hanggang sa maubos ang kanyang paninda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabigyan ng maagang pamasko ang isang lalaking naglalako ng mga unan na natagpuan ng vlogger na si Denso Tambyahero.

Nalaman ng KAMI na mula sa probinsya ng Rizal ang vendor ngunit natagpuan na siya ng vlogger sa Comembo, Makati City.

Estudyanteng naglalako ng lumpia at tuna pie, nabigyan ng CP ng nagmalasakit na vlogger

Pagod na pagod at uhaw na uhaw ang naglalako ng unan habang kinakausap ni Denso.

Unan vendor na naglalako mula Rizal hanggang Makati, nabigyan ng maagang pamasko

Ang masipag na tindero ng unan na naglalakad mula Taytay, Rizal at nakakarating hanggang sa Makati City. Photo from Denso Tambyahero
Source: UGC

Naikwento ng vendor na sa P160 na benta niya sa isang unan, P40 ang sa kanya roon.

Kung hindi pa niya ito maubos, sa kalsada na siya natutulog at tuloy pa rin ang paglalakad at paglalako hanggang sa mabenta na niya ito lahat.

Sa kabila ng hirap niyang ito sa paglalako, minsan pa raw siyang naloko ng isang matanda na bumili sa kanya ng dalawang unan.

Pekeng P500 daw umano ang naibayad sa kanya at huli na nang malaman niya ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Labis na nanlumo ang vendor dahil nalugi na nga siya nang araw na iyon, napagsabihan pa umano siya ng kanyang amo.

Dahil dito, bumili ng isang unan ang vlogger at kasabay nito ang pagsurpresa niya sa vendor. Nagbigay pa muli siya ng tulong pinansyal sa vendor na nakapasan na lamang sa kapatid at sa pamilya nito.

Baha sa Agusan del Sur, hanggang bubong ng mga bahay dahil kay 'Vicky'

Mababakas sa tindero ang kaligayahan lalo na ang magdiriwang daw ng kaarawan ang kanyang pamangkin kinabukasan. Balak daw niya itong mabilhan ng cake at bigas nila sa mga susunod na araw.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Denso Tambyahero:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Denso Tambyahero ay isang YouTube content creator na kilala sa mga videos niya nagpapakita ng pagtulong sa kapwa nating hikahos sa buhay. Naka-motor si Denso at tumutulong talaga sa mga nadaraanan niyang taong pansin niyang labis na nangangailangan.

Katunayan, nito lamang Hulyo ay naiulat ng KAMI ang pagtulong na ginawa ni Denso sa isang ama na basang-basa sa ulan habang nangangalakal dahil wala na umanong makain ang kanyang mga anak.

Naabutan din niya ng tulong ang isang ama na mas piniling mamalimos kaysa manghingi ng tulong sa mga anak na alam niyang hirap din sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel