Masipag na batang naglalako ng mga halaman at gulay, umantig sa puso ng netizens

Masipag na batang naglalako ng mga halaman at gulay, umantig sa puso ng netizens

- Viral ang post tungkol sa isang batang matiyagang naglalako ng mga halaman at gulay sa Quezon

- Napansin ito ng madalas niyang makasabay sa jeep at napag-alamang ang batang ito ang inaasahan ng kanyang pamilya

- Katuwang siya ng ama niyang naghahanapbuhay habang ang ina ay nag-aalaga sa kanyang mga kapatid na ang isa ay mayroong karamdaman

- Matapos na mag-viral ang post ng netizen, marami na ring nagpaabot ng tulong sa batang vendor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang kahanga-hangang kwento ng isang 12-anyos na batang naglalako ng mga gulay at halaman mula sa probinsya ng Quezon.

Nalaman ng KAMI na isang nagmalasakit na netizen na madalas nitong makasabay sa jeep ang nagbahagi ng kwento ng batang si Leo Rafael "Rafraf" Lumapit.

Sa post ni Conie B. Sotomayor-Davila, naibahagi niya ang naging maiksing pag-uusap nila ni Rafraf habang nasa biyahe.

Read also

Lalaki, nagmalasakit na bilhin ang lahat ng gamot ng lola na kinulang sa pambili

Masipag na batang naglalako ng mga halaman at gulay, umantig sa puso ng netizens
Si Leo Rafael "Rafraf" Lumapit Photo from Conie B. Sotomayor-Davila
Source: Facebook

Naikwento ng bata na siya ang inaasahan ng kanilang pamilya. Pagtatabas ang hanapbuhay ng kanyang ama habang ang ina naman niya ang nag-aalaga sa kanyang mga kapatid.

Isa rin sa dahilan ng pagsisipag ni Rafraf ay para sa gamot ng kapatid niyang bata pa lamang ay mayroon nang karamdaman.

Nabanggit din niyang pambili ng bigas ang kanyang kikitain at kung malasin na walang maibenta, naglalakad na lamang siya pauwi.

Aminadong sa kabila ng paghanga sa kasipagan ng bata ay nakaramdam din ng kirot sa puso si Connie nang malaman ang kwento ni Rafraf.

Ibinahagi niya ang kwento ng bata upang magbigay inspirasyon partikular na sa mga kabataan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa mga bagong update ni Connie tungkol sa kwento ng batang vendor, ibinahagi niyang marami ang nagpaabot ng tulong kay Rafraf.

Doon mas nakilala ni Connie ang bata gayundin ang pamilya nito.

Read also

COVID survivor, ibinahagi ang laban sa virus kasabay ng pumanaw na ama

Malaki rin ang pasasalamat niya sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong sa pamilya ni Rafraf lalo na at isa sila sa mga higit na nakaramdam ng hagupit ng pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panahon ngayong pinahihirapan tayo ng husto dahil sa krisis na dala ng COVID-19, nakatutuwang isipin na may mga taong handang magmalasakit sa kapwa, sa abot ng kanilang makakaya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tulad ni Connie, isang lalaki ang nagmalasakit na bilhin ang lahat ng gamot ng lola na nakasabay niya sa botika.

Kinulang daw kasi ito sa pambili at 'di naman nagdalawang isip ang lalaki na tulungan ang matanda.

Gayundin ang isang residente na binili na lamang ang 30 na McDonald's shake sa delivery rider na nabiktima ng fake booking. Halos maluha ang rider sa tulong na ginawa sa kanya ng mabait na residente.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica