Lalaki, nagmalasakit na bilhin ang lahat ng gamot ng lola na kinulang sa pambili
- Viral ngayon ang post ng isang netizen na nakasaksi ng nakaka-inspire na kwento sa botika
- Nakita niya ang isang lola na kinulang ng pera na pambili ng mga gamot at isa-isang piraso na lang sana ang kanyang bibilhin
- Isang lalaki na kasunod nito ang nagmalasakit na bayaran na ang lahat ng gamot ng lola kaya naman labis itong nagpasalamat sa kanya
- Umabot ng mahigit 200,000 na mga positibong reaksyon ang naturang post na talagang nagbigay inspirasyon sa marami
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang naantig ang puso sa post ni Mandy Viral tungkol sa nakaka-inpire na kwentong nasaksihan niya mismo sa isang botika.
Nalaman ng KAMI na nakasabay niyang bumili ng gamot ang isang lola na noon ay nasa counter na.
Naulinigan niyang kinulang ito ng pambili ng gamot at naisipang isa-isang piraso na lamang ang kanyang bilhin. Php1,100 halaga ng lahat ng gamot ng matanda ngunit malayo rito ang halagang hawak ng lola na puro barya pa.
"Pwede ba makabili kahit tig iisang piraso ng nasa reseta? Php200 lang pera ko pasensya na"
Ngunit ang sumunod na nangyari ang labis na ikinagulat ni Mandy. Ang lalaki kasing kasunod ng lola ay nagmalasakit na bilhin na ang lahat ng gamot nito.
"Miss, sagot ko na yung kulang, bigay mo yung lahat ng nasa reseta ni Nanay."
Kitang-kita raw talaga ang kasiyahan ng matanda sa ginawang ito ng lalaking hindi naman niya kilala.
Labis itong nagpasalamat sa lalaki sa kabutihang ipinakita nito sa kanya.
Ang mas labis na ikinahanga ni Mandy sa nangyari ay nang sabihin pa ng lalaki na hindi raw dapat siya ang pasalamatan.
"Nay, di sakin galing yan, sa Dios yan galing. Sa Diyos po tayo magpasalamat."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng post:
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Masasabing malaking pahirap ang dinaranas nating pandemya, isang taon na ang dumaraan.
Subalit, nakatutuwa pa ring isipin na sa kabila ng nararanasan nating hirap ay mga taong handang tumulong at dumamay sa kapwa na higit na nangangailangan.
Ilan sa mga ito ay mga kilalang personalidad habang ang karamihan din naman ay mga ordinaryong tao na tumutulong sa kapwa sa abot ng kanilang makakaya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh