Anak at dalawang ama na umaako sa kanya, ipapa-DNA test ni Raffy Tulfo

Anak at dalawang ama na umaako sa kanya, ipapa-DNA test ni Raffy Tulfo

- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang ina ng pinag-aagawang bata ng dalawang umaakong ama

- Pareho na may hawak na birth certificate ang magkabilang panig kaya maging si Tulfo ay naguluhan sa sitwasyon ng mga ito

- Inamin kasi ng misis na iba ang lalaking nakabuntis umano sa kanya at hindi ang isang umaako na ama na may hawak din ng birth certificate ng bata

- Ipapa-DNA test na lamang ni Tulfo ang bata at dalawang umaakong ama upang makumpirma kung sino nga ba talaga ang tatawagin nitong tatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Masalimuot" ang paglalarawan ni Raffy Tulfo sa sitwasyong idinulog sa kanyang programa kung saan dalawa ang ama na umaako sa isang bata.

Nalaman ng KAMI na humingi na ng saklolo ang ina ng bata na si Marissa Cortes dahil patuloy siyang gingulo ng dati niyang kinasama na si Joel.

Read also

Trike driver na hawak ang grad pic at diploma ng anak, umantig sa puso ng netizens

Ayon kay Joel, nais sana niyang mahiram ang anak ni Marissa upang makapiling ito bilang siya talaga ang tatay at siya ang may hawak ng birth certificare ng bata.

Anak at dalawang ama na umaako sa kanya, ipapa-DNA test na ni Raffy Tulfo
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Paliwanag naman ni Marissa, iba ang ama ng kanyang anak at sinabing may hawak din siyang birth certificate ng bata.

Ang siste, naipa-rehistro agad ni Joel ang sinasabi niyang anak kay Marissa, isang araw matapos itong manganak.

Subalit huli naman nang naiparehistro ni Marissa ang anak na kung saan nakalagay ang pangalan ng ibang lalaki na siyang sinasabi niyang tunay na ama nito.

Para magkaliwanagan ang magkabilang panig, mainabuti na ni Tulfo na ipa-DNA test na ang bata at ang dalawang umaakong ama nito.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jennica Garcia, 'di napigilang maging emosyonal sa kanyang pinagdadaanan

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.9 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga pinakahuling dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ay ang glam team na inireklamo ang YouTube couple na Ja Mill dahil sa hindi nito pagsipot sa kanila sanan promotion shoot.

Maging si Tulfo ay nagbahagi ng kanyang karanasan kaugnay sa mga "collaboration" videos kung saan hindi rin siya sinipot ng YouTuber na kanyang pinagbigyan dahil kaibigan niyang naituring ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel