Trike driver na hawak ang grad pic at diploma ng anak, umantig sa puso ng netizens

Trike driver na hawak ang grad pic at diploma ng anak, umantig sa puso ng netizens

- Viral ang larawan ng isang ama na hawak ang diploma picture ng anak at diploma nito

- Nagpakuha rin kasi ng larawan ang ama dahil ipinagmamalaki niyang napagtapos niya ang kanyang anak dahil sa pagta-tricycle

- Umani ng pagbati ang anak gayundin ang ama na siyang nagsakripisyo mabigyan lamang ng edukasyon ang pinakamamahal na anak

- Maging ang anak ay aminadong naluha nang makitang nag-viral ang espesyal na larawan ng kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena ngayon sa social media ang nakakaantig na larawan ni Ana Marie Dinolan at ng kanyang ama.

Nalaman ng KAMI na talagang ipinagmamalaki si Ana Marie ng kanyang ama na isang tricycle driver.

Katunayan, nagpakuha pa ito ng larawan hawak ang toga picture ni Ana at diploma nito.

Larawan ng amang hawak ang toga picture at diploma ng anak, umantig sa puso ng netizens
Photo: tricycle (Wikimedia Commons)
Source: UGC

Tila nais din niyang magkaroon ng remembrance na sa kanyang kasipagan sa pamamasada ng tricycle, nakatapos ng kolehiyo ang kanyang pinakamamahal na anak.

Read also

Jennica Garcia, 'di napigilang maging emosyonal sa kanyang pinagdadaanan

Maging si Ana Marie ay amainadong naluha sa sobrang saya nang makita na maraming bumabati sa kanilang ama lalo na sa kanyang tatay dahil sa kanilang nakakaantig pusong larawan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Congratulations sa inyo ng papa mo. Dahil sa kasipagan niyo, natupad niyo pareho na makapagtapos ka sa pag-aaral"
"Hindi ko sila kilala pero naluha ako, Congrats sa iyo tay pati na rin sa anak mo na hindi ka binigo"
"This is very inspiring, deserve mo po yan tatay! Congratulations din sa iyong anak"
"Sobrang proud si tatay sa anak niya, at super proud din siya na sa kanyang pamamasada ng tricycle nakapagpatapos siya ng kolehiyo. Mabuhay po kayo!"
"Congratulations po sa inyo! Kitang-kita po sa inyo kung gaano kayo ka-proud sa inyong anak"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

17-anyos na raketera, nagpapatayo na ng bahay para sa kanilang mag-ama

Sa kabila ng kinakaharap nating pandemya, patuloy pa ring isinusulong ang edukasyon sa pamamagitan ng iba't ibang mga learning modalities.

Kaya naman karamihan sa ating mga kababayan ay nakakapagtapos pa rin ng pag-aaral tulad ni Ana Marie sa kabila ng kabi-kabilang krisis na nararanasan sa bansa.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang ilan, nagagawang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho upang walang masayang na panahon at makapagtapos na rin ng kolehiyo balang araw.

At syempre, sa likod ng tagumpay ng mga nagsisipagtapos na ito ay ang kani-kanilang mga magulang na todo ang suporta sa kanila masiguro lamang na magiging maayos ang kinabukasan ng kanilang mga anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica