17-anyos na raketera, nagpapatayo na ng bahay para sa kanilang mag-ama

17-anyos na raketera, nagpapatayo na ng bahay para sa kanilang mag-ama

- Isang 17-anyos na raketera ang nagpapatayo na ng munting tahanan nila ng kanyang ama

- Sa pagiging online seller ng mga skin care products at paglalako ng merienda, natutustusan niya ang mga pangangailangan nilang mag-ama sa araw-araw

- Iniwan na kasi sila ng kanyang ina habang ang kanyang ama naman ay hindi na makasalita at makagalaw ng maayos dahil sa stroke

- Natulungan sila ng isang vlogger na nabalitaan ang nakaka-inspire na kwento ng dalagita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na nakakaantig ng puso ang kwento ng 17-anyos na dalagita na si "Klara" na natulungan ng YouTuber na si Virgelyncares.

Nalaman ng KAMI na dati umanong tindera sa bakery si Klara kung saan bumibili ng tinapay si Virgelyn at nabalitaan niyang 'di na roon nagtatrabaho ang dalagita.

Kaya naman sinadya niya ito sa kanilang tahanan kung saan naabutan niya itong naghahanda ng kanyang mga paninda.

Read also

Donita Nose at Super Tekla, pumalag sa mga reaksiyon ng mga netizens

17-anyos na raketera, nagpapatayo na ng bahay para sa kanilang mag-ama
Munting bahay na ipinatatayo ni Klara (Photo from Virgelyncares 2.0)
Source: UGC

Naglalako na pala ng mga merienda si Klara at nakikipwesto sa kapitbahay na may mabuti ring kalooban.

Bukod dito, online seller din si Klara at ilan sa kanyang mga produkto ay sabay din niyang ibinebenta sa mga nilalakong merienda.

Ginagawa ito ng dalagita dahil iniwan na siya ng kanyang ina. Ang kanyang ama naman ay ilang taon nang na-stroke at hindi na makagalaw at makasalita ng maayos.

Ang nakamamangha pa lalo sa ginagawa ni Klara, kasalukuyan siyang nagpapatayo ng sarili nilang bahay na mag-ama.

Naawa raw siya sa kanyang tatay na hindi maayos ang nasisilungan kapag naiiwan niya ito para magtinda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa tulong ng kanyang tiyo, unti-unti nang nabubuo ang munting tahanan nina Klara.

Kitang-kita sa dalagita ang labis na pagmamahal sa kanyang ama. Subalit hindi naman niya maikaila na nakaramdam siya ng galit sa paglisan sa kanila ng ina.

Read also

Lolo na nasunugan at namumuhay na lang mag-isa, natulungan ng mabait na vlogger

Gayunpaman, nais pa rin sana niyang pabalikin ang kanyang nanay lalo na kapag natapos na ang ipinatatayong munting tahanan.

Sa tulong din ni Virgelyncares at mga OFW na sumusuporta sa vlogger, nabigyan ng tulong pinansyal ang mag-ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng nakakaantig pusong episode na ito mula sa Virgelyncares 2.0 YouTube channel:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang Virgelyncares 2.0 YouTube channel ay isa sa mga vlogger sa Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang makatulong sa kapwa na labis na nangangailangan.

Tulad ng Virgelyncares, isa rin si Denso Tambyahero sa mga kilalang vlogger sa bansa na pagtulong at pagmamalasakit sa mga Pilipino ang laman ng kanyang mga video.

Ang mga tulad nila ang nagbibigay pag-asa sa mga kababayan nating tila lalong naghikahos buhat nang mag-pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica