Vlogger, naiyak dahil sa isang inang gumagapang makagawa lang ng gawaing bahay

Vlogger, naiyak dahil sa isang inang gumagapang makagawa lang ng gawaing bahay

- Naiyak talaga ang vlogger na si Virgelyncares nang madatnan ang mag-ina sa gitna ng tubuhan na halos wala nang makain

- Naabutan pa niya ang anak nito na nagbabakasakaling may makuhang tanim na maari nilang makain na mag-ina

- Hindi na makalakad ang ina na gumagapang na lamang sa lupa para lang makagawa pa rin siya ng gawaing bahay

- Iniwan na rin siya ng kanyang asawa kaya naman ang panganay niyang anak ang kanilang inaasahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natulungan ng YouTube vlogger na si Virgelyn cares ang inang si Gina na hindi na makalakad ngunit sinisikap pa rin na kumilos para magawa ang mga gawain sa bahay.

Nalaman ng KAMI na halos wala nang makain ang mag-iina dahil wala silang maayos na pinagkakakitaan.

Ang panganay niyang anak ay tumutulong lamang sa bukid at iyon lamang ang inaasahan nila na may kikitain.

Read also

Jennica Garcia, 'di napigilang maging emosyonal sa kanyang pinagdadaanan

Vlogger, naiyak dahil sa isang inang gumagapang makagawa lang ng gawaing bahay
Si Virgelyncares kasama si Nanay Gina (Photo from Virgelyncares 2.0)
Source: UGC

Kaya naman nagtitiyaga na lamang sila sa kung anumang tanim sa paligid nila na maari nilang makain.

Ang kanyang bunsong anak na babae ay nadatnan pa ni Virgelyn na nangunguha ng tanim na pwede nilang maidagdag para makain.

Mahirap ang buhay nina Gina lalo na at iniwan naman na siya ng kanyang mister buhat nang siya ay hindi na makalakad.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Malakas pa sana si Gina subalit hirap lamang talaga siyang gumalaw dahil sa paralisado na ang mga binti.

Talagang naluha si Virgelyn nang iabot na niya ang tulong niya sa mag-iina. Labis ding nagpasalamat si Gina dahil napakalaking tulong na sa kanila ang isang sakong bigas at ang tulong pinansyal na ibinigay sa kanila ng matulunging vlogger.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

17-anyos na raketera, nagpapatayo na ng bahay para sa kanilang mag-ama

Ang Virgelyncares 2.0 YouTube channel ay isa sa mga vlogger sa Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang makatulong sa kapwa na labis na nangangailangan.

Tulad ng Virgelyncares, isa rin si Denso Tambyahero sa mga kilalang vlogger sa bansa na pagtulong at pagmamalasakit sa mga Pilipino ang laman ng kanyang mga video.

Ang mga tulad nila ang nagbibigay pag-asa sa mga kababayan nating tila lalong naghikahos buhat nang mag-pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel