Lolo na nasunugan at namumuhay na lang mag-isa, natulungan ng mabait na vlogger

Lolo na nasunugan at namumuhay na lang mag-isa, natulungan ng mabait na vlogger

- Isang lolo na namumuhay na mag-isa ang natulungan ng vlogger na si Virgelyncares

- Nalaman pa ng vlogger na dalawang beses na umanong nasunugan ang matanda na pinili na lamang manirahan sa isla

- Tumatawid pa ito ng ilog para makarating sa bayan at makapagbenta ng petsay na siya niyang ikinabubuhay

- Marami ang nagpaabot ng tulong sa lolo tulad ng pagkain nito upang hindi na mamroblema sa kumakalam na sikmura araw-araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natulungan ng vlogger na si Virgelyncares ang lolo na nakita nilang nasa may pampang.

Nalaman ng KAMI na ito rin ang matandang kanilang natulungan nang malamang dalawang beses na itong nasunugan.

Namumuhay na lamang mag-isa sa sa maliit na isla ang lolo na tanging mga trapal lamang ang sinisilungan.

Lolo na nasunugan at namumuhay na lang mag-isa, natulungan ng mabait na vlogger
Photo from Virgelyncares
Source: UGC

Sa muli nilang pagkikita, nadatnan niya ang lolo na nagbabakasakali pala na mayroong mauutangan gayung wala siyang maitindang gulay nang araw na iyon.

Read also

Single mom na OFW, masayang inaabot ang mga pangarap para sa mga anak

Hapon na nang makita siya ng Virgelyncares, at sadyang nakakadurog ng puso na halos alas sais na ng gabi ay namomroblema pa rin ng kakainin ang lolo na walang pambili kung hindi pa dumating ang vlogger.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Agad niyang ipinakita ang isang sakong bigas at mga groceries na ipinaaabot umano ng mga netizens na una nang nakapanood sa lolo.

Mayroon ding mga OFW na nagpadala ng pambili ng life jacket dahil namamangka lamang patungong bayan ang lolo sakay ng bangkang yari lamang sa mga malalaking plastic container.

Bukod pa rito, inabutan din ng vlogger ng tulong pinansyal ang lolo upang hindi na raw ito mamroblema pa ng pangungutang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang nakakaantig ng pusong video mula sa Virgelyncares 2.0 YouTube channel:

Read also

Batang tila naglalambing pa sa inang pumanaw na, umantig sa puso ng netizens

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang Virgelyncares 2.0 YouTube channel ay isa sa mga vlogger sa Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang makatulong sa kapwa na labis na nangangailangan.

Tulad ng Virgelyncares, isa rin si Denso Tambyahero sa mga kilalang vlogger sa bansa na pagtulong at pagmamalasakit sa mga Pilipino ang laman ng kanyang mga video.

Ang mga tulad nila ang nagbibigay pag-asa sa mga kababayan nating tila lalong naghikahos buhat nang mag-pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel