Single mom na OFW, masayang inaabot ang mga pangarap para sa mga anak

Single mom na OFW, masayang inaabot ang mga pangarap para sa mga anak

- Ibinahagi ng isang OFW sa Taiwan kung paano niya napagtagumpayan na itaguyod mag-isa ang kanyang mga anak

- Bagaman at hindi pa raw niya nakikilala ang kanyang Mr. Right, masaya siyang nakapagpundar na para sa mga mahal sa buhay

- Katunayan, nakapagpatayo na siya ng sariling bahay at kamakailan ay may pinasok na rin siyang negosyo

- Mahirap man sa kanya na hindi nakauwi sa bansa buhat nang mag-pandemya, binubuhos na lamang muna niya ang kanyang oras trabaho at negosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinuwento ng overseas Filipino worker na si Jeorjane Necesito Ignacio ang nakaka-inspire niyang kwento sa pag-abot niya ng kanyang mga pangarap.

Nalaman ng KAMI na isang single mom si Jeorjane ngunit nakamamanghang naitataguyod niya ang mga anak dahil sa kanyang pagsisikap.

Malungkot man ang ating kababayan na hindi nakauwi ng Pilipinas dahil sa pandemya, ibinuhos na lamang niya ang kanyang oras sa trabaho at negosyo.

Read also

Homeowner, nawindang sa bote ng softdrink na natagpuang nakabaon sa pader

OFW sa Taiwan, masayang naitataguyod ang mga anak kahit wala pa ang kanyang "Mr. Right"
Photo from Jeorjane Necesito Ignacio
Source: UGC

Ipinasilip din ni Jeorjane ang kanyang naipatayong bahay para sa kanilang pamilya. Naalala niya kasi noon na dumaan sila sa puntong wala nang matirhan sa Maynila.

Subalit ngayon, may kalakihan pa ang bahay na kanyang naipatayo at matatawag na niyang sariling tahanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento:

"Overseas Filipino worker ako at nagtatrabaho bilang caretaker sa Taiwan. Since pag-apak ko bilang isang single mom, mahirap pero dapat kayanin kasi kung kaya ng iba kakayanin din natin lahat.

This coming August 19, 2021 6 years na ako rito. Hindi ko po yan matatapos kung hindi ko sasabayan ng pagkakaroon ng extra income. Mahirap mag-ipon kung marami tayong obligasyon ngunit sabi nga bago emosyon, solusyon muna.

Kaya ayon nasimulan at matatapos ko na din pero pansamantalang itinigil ko muna dahil sa panibagong investment ko ulit. Marami pang kulang maliban kay MR. Right.

Read also

OFW, ibinahagi ang diskarte sa buhay sa kabila ng krisis na dulot ng pandemya

Kaya sa mga mataas ang pangarap tulad ko laban lang!Andiyan si God para i-guide niya tayo magtiwala lang sa kanya."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nakatutuwang malaman na marami na sa ating mga kababayang OFW ay unti-unti nang naaabot ang mga pangarap nila sa buhay.

Ang ilan, sadyang sinuwerte sa kanilang mga amo na todo ang suporta sa mga pangangailangan nila maging ng kanilang pamilya.

Ang iba naman, negosyong payayabungin ang talagang inuna nilang ipundar upang agad din silang makabalik sa Pilipinas at hindi na muling iwan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica