OFW, ibinahagi ang diskarte sa buhay sa kabila ng krisis na dulot ng pandemya

OFW, ibinahagi ang diskarte sa buhay sa kabila ng krisis na dulot ng pandemya

- Ibinahagi ng isang OFW ang nakakabilib niyang kwento lalo na sa mga sakripisyo na kanyang nagawa para sa kanyang pamilya

- Kahit aminadong naapektuhan ng pandemya ang kanyang trabaho, nadiskartehan pa rin niya na mairaos ang araw-araw kahit nasa ibang bansa

- Mabuti na lamang at marami na rin siyang naipundar kaya naman mayroon na silang napagkukunan pa ng panggastos

- Masasabing sinuwerte rin siya sa kanyang mister na mabait at suportado ang kanilang pagsasama upang pareho na umasenso ang isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakamamangha ang kwento ng overseas Filipino worker na si Jonah de Torressa Rome, Italy na ibinuhos ang lahat ng paghihirap at sakripisyo sa ibang bansa para lamang sa kanyang pamilya.

Nalaman ng KAMI na talagang naisantabi niya ang pagkakaroon ng sariling pamilya para tulungan ang mga kapatid at mga magulang.

Read also

Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, kumikita na sa sariling YT channel

35 taong gulang na siya nang ikasal at masasabing sinuwerte siya sa kanyang mister na katuwang niya sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay.

OFW, ibinahagi ang diskarte sa trabaho sa kabila ng krisis na dulot ng pandemya
Si Jonah at ang kanyang mister (Photo from Jonah De Torres)
Source: UGC

Sa ngayon, hiling na nila ang magkaroon ng supling lalo na at unti-unti na silang nakapagpupundar para sa kinabukasan ng kanilang pamilya.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwentong naibahagi sa KAMI:

"Kaya ako nag-abroad, nakita ko ang hirap ng buhay namin. Karpentero ang ama ko. College that time 'yung sumunod sa akin 21 ako 19 si kuya at nabubtis ulit si Mamang.

Alam kong mahihirapan na sila kasi pag-reach ng high school ni bunso. May edad na si Papang at baka di na din makapagtrabaho. So I decided na ako na lang mag-abroad para pag dumating 'yung time na si bunso, ako na gagastos.

Hirap at pangarap sana maihaon sa hirap, yun po ang dahilan. May asawa na po ako, 35 years old na ako nagpakasal dahil sa na paaral muna ako ng 2 kong kapatid at sabay pa na-stroke ang parents kaya takot ako mag-commit dahil sa obligasyon ko kaya medyo natagalan ang pag "I do"

Read also

Ka Tunying, nag-TY sa baong bigay ng nakasabay sa pagpapaturok ng COVID vaccine

Wala p po kming anak.We've been together for 14 years pero 5 years pa lng kaming married. If God's will, magka-baby mas ok.prayer lang ang kasagutan

About sa employers ko 2007 ako dumating dito April 25. In 1 year papalit-palit ako ng amo if di ko gusto umaalis ako ksi alam ko ang rights ko at legal ako.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Pero finally nakahanap ako ng amo na mabait..10 years ako sa kanila pero dahil sa pandemic nawala yung work ko dahil kasama ang nanay niya sa bahay para na din sa kaligtasan ko dahil alam nilang ako lang tumutulong sa pamilya ko. But luckily God is good may nahanap ako, ok at family din turing nila s akin

During pandemic 3 months lockdown binigay niya sahod ko at supportive sila sa lahat ng gusto ko even sa family ko.

Read also

Vlogger, natulungan ang mag-asawang matanda na halos hindi nabibigyan ng ayuda

Napakalaki ng epekto ng pandemic saakin since part-timer ako meaning madami ako work everyday.

2 bahay nililinis ko kasi per hour lang sa 7 bahay lahat sa 1 week iisa lang nagpatrabaho s akin.

Di sapat kaya 3 months ako di nakapag padala s Pinas. Masakit sa dibdib na di ko mapadalhan sila mamang pero sa padala ko may naiipon siya naka-survive sila at may kumuha na agency sa bunso namin na sumalo sa Bigo dahil maganda boses niya.

Saamin naman dito mabuti may garden ako ng mga gulay at yung naipon naming mag asawa 'yun ang unti-unti naming ginagalaw at sobrang tipid talaga kasi siya no work at all for 3 months.

Napagtapos ko ng Computer Science kapatid ko tapos yung bunso namin 1st year Pharmacist.

Natubos ko lupain namin na sinangla ulit bago namatay Papang ko kasi seperated parents ko.

Kaming mag asawa naka pundar kami ng 2 1/4 acre sa Mindanao at 15 acre na palaisdaan sa Zamboanga nirerentahan namin.

Read also

OFW, ibinahagi ang nakamamangha niyang diskarte sa pagpupundar ng mga ari-arian

Napag-usapan naming mag-asawa na every year dapat may ma-invest kami.

Kaya kung walang budget kahit 1 kambing lang dadami din naman at manganganak din yan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang magandang naidulot ng pagiging ofw yung nai-provide ko yung wealth, shelter at education ng mga kapatid ko.

Basta may pamilya kang suportado ka sa gusto mo may patutunguhan. Ang pagiging OFW di yan forever. Mag-invest hangga't may pera para pagdating ng time, for good ka na may mapagkukuhanan ka.

Sipag, tiyaga pakikisama at pagmamahal sa pamilya, higit sa lahat pananalig sa Taas.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nakatutuwang malaman na marami na sa ating mga kababayang OFW ay unti-unti nang naaabot ang mga pangarap nila sa buhay.

Ang ilan, sadyang sinuwerte sa kanilang mga amo na todo ang suporta sa mga pangangailangan nila maging ng kanilang pamilya.

Read also

Masipag na batang naglalako ng mga halaman at gulay, umantig sa puso ng netizens

Ang iba naman, negosyong payayabungin ang talagang inuna nilang ipundar upang agad din silang makabalik sa Pilipinas at hindi na muling iwan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica