Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, kumikita na sa sariling YT channel

Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, kumikita na sa sariling YT channel

- Kumikita na ang sariling YouTube channel ni Joselito Martinez, ang kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi

- Nito lamang Abril 10, nagkaroon sila ng munting salo-salo ng kanyang pamilya at tinatawag na manager

- Ito ay upang ipagdiwang ang pagka-monetized ng kanyang channel na kanyang ginawa matapos ang pagtulong sa kanya ng aktres

- Labis-labis pa rin ang pasasalamat niya kay Ivana na malaki ang naitulong sa mga biyayang tinatamasa niya sa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang puto/kutsinta vendor na si Joselito Martinez nang ibahagi niya kamakailan na may kinikita na ang kanyang YouTube channel.

Nalaman ng KAMI na mula nang matulungan siya ni Ivana Alawi, mayroon ding tumulong sa kanya upang magkaroon ng sarili niyang YouTube account kung saan mayroon na siyang 28.5K subscribers.

Nito lamang Abril 10, naibahagi ni Tatay Joselito sa kanyang vlog ang munting salo-salo nila ng kanyang pamilya at ng tinatawag niyang manager sa nilipatan nilang bahay.

Read also

Ka Tunying, nag-TY sa baong bigay ng nakasabay sa pagpapaturok ng COVID vaccine

Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, kumikita na sa sarili niyang YT channel
Photo From Joselito Martinez
Source: Facebook

Sa video, labis-labis pa rin ang pasasalamat ni Tatay Joselito sa napakabait at mapagbigay na aktres.

Kung hindi dahil kay Ivana, hindi raw niya makakamit ang mga biyayang tinatamasa niya ngayon.

Sa kanyang channel, mapapanood ang mga naging update matapos ang 'street prank' ni Ivana sa kanya kung saan hindi siya nagdalawang isip na tulungan ang aktres nang magpanggap itong pulubi.

Matapos ang naturang prank, nakipagkita muli si Ivana kay Tatay Joselito para dagdagan pa ang tulong na kanyang naibigay sa mapagkalingang kutsinta vendor na tinawag pa niyang "tatay."

Ngayon, masasabing malaki ang pinagbago ng buhay ni Tatay Joselito at lahat ng ito ay ipinagpapasalamat niya kay Ivana.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marso 14 nang ibahagi ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel ang kanyang pulubi prank kung saan ang tutulong sa kanya ay tutumbasan niya ng 1000x ng halagang ibibigay sa kanya.

Read also

Rob Moya, muling iniuugnay kay Toni Fowler dahil sa mga pahayag sa Twitter

Isa na rito si Tatay Joselito kung saan binigyan niya si Ivana ng Php20, pinakain ng tinda nitong kutsinta at bibilhan pa sana niya ito ng softdrinks na maiinom.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Labis na humanga si Ivana sa kabutihan ni Joselito kaya naman napagdesisyunan niyang makipagkita muli dito para mabigyan pa ng karagdagang tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel