Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, ipinakita ang iba pang ibinigay nito sa kanya

Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, ipinakita ang iba pang ibinigay nito sa kanya

- Inisa-isang ipinakita ni Joselito Martinez ang kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi ang mga naibigay ng aktres sa kanya

- Hindi lamang pala mga grocery items at motorsiklo ang naibigay sa kanya ni Ivana

- Maging ang mga bagong appliances nila sa kanilang tahanan ay mula rin pala sa napakabait na aktres

- Nakalipat na rin sila sa bagong apartment kung saan may sarili na silang koneksyon ng tubig, kuryente at maging ng internet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng puto at kutsinta vendor na si Joselito Martinez ang mga naibigay sa kanya ng aktres at sikat na vlogger na si Ivana Alawi.

Matatandaang si Joselito ang tinawag na "tatay" ni Ivana nang magpanggap siyang pulubi.

Si Tatay Joselito lamang kasi ang labis-labis na nagbigay sa kanya ng tulong at atensyon ka talagang hindi inakala ng aktres kaya naman siya ay naiyak at naantig ang damdamin.

Read also

Kapuso actress na si Krystal Reyes, walang kaarte-arteng sumabak sa live selling

Kutsinta vendor na natulungan ni Ivana Alawi, ipinakita ang iba pang ibinigay nito sa kanya
Photo: Tatay Joselito (Joselito Martinez)
Source: Facebook

Sa update ni Joselito sa kanyang YouTube channel, inisa-isa niya ang mga ipinamili sa kanya ni Ivana sa muli nilang pagkikita.

Bukod sa mga grocery items at karagdagang tulong pinansyal, binigyan din siya ni Ivana ng motorsiklo na ipinakita pa niya sa kanyang vlog.

Nalaman ng KAMI na ang mga bagong appliances pala ni Joselito ay mula rin sa sikat na YouTuber.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ipinakita niya ang mamahaling flat screen TV, refrigerator at iba pang gamit sa bahay.

Maging ang bagong lagayan niya ng mga panindang puto at kutsinta ay bigay din ni Ivana kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat nito sa aktres.

At sa bagong update ni Tatay Joselito sa kanyang vlog, ipinasilip pa niya ang bagong nalipatan na apartment kung saan may sarili na silang koneksyon ng kuryente at tubig pati na rin ang wifi.

Read also

Nag-viral na 65-anyos na gumagawa at naglalako ng bird cage, dinagsa ng tulong

Ang lahat daw na iyon ay hindi niya makakamit kung hindi dahil sa mabuting puso ni Ivana Alawi.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marso 14 nang ibahagi ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel ang kanyang pulubi prank kung saan ang tutulong sa kanya ay tutumbasan niya ng 1000x ng halagang ibibigay sa kanya.

Isa na rito si Tatay Joselito kung saan binigyan niya si Ivana ng Php20, pinakain ng tinda nitong kutsinta at bibilhan pa sana niya ito ng softdrinks na maiinom.

Labis na humanga si Ivana sa kabutihan ni Joselito kaya naman napagdesisyunan niyang makipagkita muli dito para mabigyan pa ng karagdagang tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel