Nag-viral na 65-anyos na gumagawa at naglalako ng bird cage, dinagsa ng tulong

Nag-viral na 65-anyos na gumagawa at naglalako ng bird cage, dinagsa ng tulong

- Matapos na mag-viral ang post tungkol sa bird cage vendor sa Laguna, dinagsa na ito ng tulong

- Sa update ng uploader sinabi nitong marami na ang mga orders kay Tatay Rey na umabot na ng 20

- Kahanga-hanga ang sipag ng matanda na siya pala mismo ang gumagawa ng kanyang mga inilalako

- Patuloy pa rin ang pagtulong ng uploader kay Tatay Rey para lamang may kitain ang matanda lalo ngayong pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na mag-viral ang post ng netizen na si Nico Jose tungkol sa bird cage vendor na si Tatay Reynaldo Lising Delos Santos Sr., dinagsa na ito ng mga orders.

Nalaman ng KAMI na nakita ni Nico nang naglalako si Tatay "Rey" ng mga hawla ng ibon na siya mismo ang gumawa.

Mapapansing yari ito sa mga recycled materials tulad ng bahagi ng sirang electric fan, tubo, plastic bottles at plywood.

Read also

Customer, pinapasok ang delivery rider sa bahay sa takot na mahuli dahil sa curfew

65-anyos na gumagawa at naglalako ng mga bird cage, dinagsa ng tulong
Si Tatay Rey (Photo from Nico Jose)
Source: Facebook

Mabusisi niya itong ginagawa at siya mismo rin ang naglalako sa halagang Php550.

Nabanggit ni Nico na inaabot ng anim na kilometro ang nilalakad ng matanda sa pagtitinda lamang ng kanyang produkto.

Subalit dahil marami ang nakakita at nakabasa sa nakaka-inspire na kwento ni Tatay Rey, dinagsa ito ng tulong at dumami na rin ang mga orders sa kanya.

Katunayan, ilang araw mula nang mag-viral ang post noong Abril 6 ay nasa 20 na ang mga orders sa kanyang bird cage.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

At kahit negosyo ni Nico ang pet supplies, binibigyang prayoridad pa rin niya na maibenta ang bird cage ni Tatay Rey na labis niyang hinangaan.

Sa update na naibahagi rin ng News5, nabanggit ni Nico na maging siya ay nagpapasalamat bilang naging instrumento siya para matulungan si Tatay Rey.

Read also

Delivery Rider, naluha sa kabutihang ipinakita sa kanya ng customer

Mababakas din sa larawan nito ang saya na mayroong mga tumatangkilik na sa kanyang pinaghihirapan na siyang pinagkukunan niya ng panggastos sa araw-araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panahon ngayon na pinahihirapan tayo ng husto dahil sa krisis na dala ng COVID-19, nakatutuwang isipin na may mga taong handang magmalasakit sa kapwa, sa abot ng kanilang makakaya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tulad ni Nico, isang lalaki ang nagmalasakit na bilhin ang lahat ng gamot ng lola na nakasabay niya sa botika.

Kinulang daw kasi ito sa pambili at 'di naman nagdalawang isip ang lalaki na tulungan ang matanda.

Gayundin ang isang residente na binili na lamang ang 30 na McDonald's shake sa delivery rider na nabiktima ng fake booking. Halos maluha ang rider sa tulong na ginawa sa kanya ng mabait na residente.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica