OFW, binigyan ng limpak-limpak na salapi ng employer niyang sikat na Australian vlogger

OFW, binigyan ng limpak-limpak na salapi ng employer niyang sikat na Australian vlogger

- Nakatanggap ng malaking halaga ng pera ang 50-anyos na OFW mula sa kanyang employer

- Sikat na Australian vlogger ang kanyang amo na si Alexandra Mary Hirschi o mas kilala bilang si Supercar Blondie

- Sinurpresa nito ang OFW na napalapit na rin sa kanya dahil sa kabutihan nito at kasipagan

- Naluha sa sobrang saya ang Pinay dahil sigurado nang makakapag-kolehiyo ang anak at makapagpapatayo pa siya ng sarili niyang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

OFW, binigyan ng limpak-limpak na salapi ng employer niyang sikat na Australian vlogger

Alex Hirschi kasama si Avelina (Photo from Supercar Blondie's Facebook)
Source: Facebook

Laking gulat ng 50-anyos na Pinay na si Avelina nang i-surpresa siya ng kanyang amo at bigyan siya nito ng limpak-limpak na salapi.

Nalaman ng KAMI na ang amo pala ni Avelina ay si Alexandra Mary Hirschi o mas kilala bilang si Supercar Blondie na isang Australian social media celebrity.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Supercar Blondie ang kanyang supresa para sa empleyado niyang Filipina.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Napalapit na raw kasi sa puso nila si Avelina dahil sa kasipagan nito at dedikasyon sa trabaho.

Napakabuti raw ng pagkatao nito at alam nilang mahal na mahal nito ang kanyang pamilya.

Kaya naman naisipan ng vlogger na magbigay ng malaking halaga ng pera kay Avelina upang matulungan ito sa pagpapa-aral ng bunso nitong anak na 15-anyos pa lamang.

Buong pag-aakala ni Avelina na ang documentary ay tungkol sa mga empleyado ni Supercar Blondie. Hindi niya alam na mabibiyaan siya sa araw na iyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang ibang empleyado ng vlogger ay maraming magagandang nasabi tungkol ay Avelina. Kaya naman alam nilang nararapat lamang daw ito na makatanggap ng biyaya.

Nang ibigay na ng ng employer ang surpresa kay Avelina, halos maluha ito sa sobrang kasiyahan.

"This is enough to send your son to college or to help you build a house when you retire," ani Supercar Blondie nang ibigay niya ang sandamakmak na salapi kay Avelina.

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

Nagbiruan pa ang mag-amo dahil inaakala ni Avelina na siya'y pinauuwi na. Nagbiro rin ang vlogger na kung uuwi na ang OFW ay babawiin niya ang ibinigay.

Patunay lamang na nakagaanan na talaga ng loob ng sikat na vlogger ang Pinay na hindi naman ipinahiya ang ating lahi sa kabutihang ipinakikita niya kahit wala siya sa sariling bansa.

Narito ang kabuuan ng maiksing video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masasabing masuwerte si Avelina at nakatapat siya ng mabuting amo na sinuklian ang kanya rin namang kabutihan.

Mayroon din namang mapalad na sa employer, maaga ring nakapagpupundar ng kanilang mga ari-arian.

Ang ilan, bukod sa bahay at lupa, nakapagtatayo rin ng negosyo upang hindi na muling mangibang bansa pa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel