Homeowner, nawindang sa bote ng softdrink na natagpuang nakabaon sa pader

Homeowner, nawindang sa bote ng softdrink na natagpuang nakabaon sa pader

- Ikinadismaya ng isang homeowner ang kanyang natuklasan sa isang bahay na kanyang nabili

- Habang naglilinis umano siya sa kanyang bahay na nabili, nagulat siyang mayroong tipak ng semento na nahulog

- Nang tingalain niya ay nakakita siya ng bote ng softdrink na nakabaon sa semento ng pader ng bahay

- Kaya naman, agad niya itong inireklamo para mabigyan ng aksyon at nang maiwasang may malagay sa panganib

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang nakakawindang na natuklasan sa bagong bahay na kanyang nabili sa isang developer.

Napalitan ng pagkadismaya ang pananabik ng nasabing netizen nang sa wakas ay mabayaran niya nang buo ang kanyang dream house.

Homeowner, nawindang sa bote ng softdrink na natagpuang nakabaon sa pader
Photo from Lem Quiñosa Reyes
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Lem Quiñosa Reyes, nagwawalis siya sa kanyang bahay na nakatakda niya nang lipatan nang may bumagsak habang nagwawalis siya. Nang tingnan niya ay mayroong bote ng softdrink na nakabaon sa semento ng pader.

Read also

Susi ng kotse na nawala sa parking lot, naibalik ng mabait na nakapulot

Dahil dito ay minabuti niyang ireklamo ang kanyang natuklasan dahil na rin sa maaring panganib na maidulot nito sa kung simo mang tumira doon.

Wala lang. Nakipag coordinate lang sakin isang tao, Customer representative nila. 3 months na complaint ko, nganga! I am asking for a full refund, lahat lahat kasama legal rate and damage fee. Then sabi ng legal office na never naman nakipag coordinate sakin after 3 months e hindi ako qualffied for any interest!
Homeowner, nawindang sa bote ng softdrink na natagpuang nakabaon sa pader
Lem Quiñosa Reyes
Source: Facebook

Ayon sa nakausap niyang kapitbahay umano nila, karton naman ang kanilang natuklasang nakabaon sa semento ng kanilang bahay.

Ang sabi umano sa kanya ay aayusin na lamang ang parte kung saan nakita ang bote. Gayunpaman, giniit niyang gusto niyang ipagiba para maulit para na rin makasiguradong wala nang ibang bahagi ng pader ang may nakahalong ibang bagay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Ka Tunying, nag-TY sa baong bigay ng nakasabay sa pagpapaturok ng COVID vaccine

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate