Susi ng kotse na nawala sa parking lot, naibalik ng mabait na nakapulot

Susi ng kotse na nawala sa parking lot, naibalik ng mabait na nakapulot

- Ibinahagi ng isang netizen ang nakakamanghang kabutihan ng nakapulot ng nawawalang susi ng kanyang sasakyan

- Sa dami raw ng kanyang bitbit, umaga pa pala nawala ang susi ngunit bandang hapon na lamang niya napansin na nawawala ito

- Mabuti na lamang at isang mabuting tao ang nakapulot kaya naman nakuha ito ng may-ari

- At ang pinaka-nakakabilib pa sa nangyari ay ang tumanggi nang tanggapin ng lalaki ang pabuya sa kanya ng may-ari ng kotse

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng netizen na si Ces Bagunu ang kanyang karanasan noong Abril 14 kung saan muntik na siyang mawalan ng sasakyan.

Nalaman ng KAMI na dahil sa mabuting tao na nakapulot ng susi, hindi ito nangyari.

Ayon sa post ni Ces, bandang alas otso ng umaga nang mawaglit niya ang susi ng sasakyan sa dami ng kanyang dala. Subalit, hapon na nang mapansin niyang ito'y nawawala.

Read also

Misis, windang nang madiskubreng si mister pala ang tatay ng anak ng BFF niya

Susi ng kotse na nawala sa parking lot, isinauli ng mabait na nakapulot
Photo from Cess Bagunu
Source: Facebook

Laking gulat na na lamang niya nang makita ang isang note sa kanyang windshield na mula pala sa nakapulot ng kanyang susi.

"Imagine, kahit sobrang hirap ng buhay ngayong pandemic, some people still choose to do the right thing — to help others."

Malaki ang pasasalamat ni Ces sa taong ito at labis siyang namangha dahil hindi nito naisip na pagtangkaang nakawin ang kanyang sasakyan na pwedeng-pwede nitong magawa.

"Sobrang dali itakbo ng sasakyan, nasayo na susi and all tapos nasa open parking pa."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Subalit ang mas lalong ikinahanga ni Ces sa lalaki ay nang tanggihan nito ang pabuya na sana'y ipaaabot nila bilang pasasalamat.

"We want to give him a token of appreciation sana, pero he politely declined and pasalamat nalang daw kami kay Lord"

Kaya naman sobra-sobra ang kanyang pasasalamat sa kabuting ipinamalas ng nakakita ng kanyang susi na sana'y pamarisan din ng marami.

Read also

OFW, ibinahagi ang diskarte sa buhay sa kabila ng krisis na dulot ng pandemya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kasagsagan ng mga fake bookings sa mga delivery riders kamakailan, isang residente na may mabuting kalooban ang nagmalasakit na bilhin ang 30 na mga inumin na bahagi pa rin ng fake orders.

Halos ganoon din ang ginawa ng isang lalaki na nakakita sa isang delivery rider na umiiyak dahil nabiktima pala ito ng fake booking. Binili na lamang ng lalaki at kanyang mga kasama ang fake order sa emosyonal na rider.

Nakatutuwang isipin na mayroon pa rin talagang mabubuting tao na nagbibigay inspirasyon sa atin lalo na ngayon na marami tayong kinahaharap na problema dala ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica