Batang tila naglalambing pa sa inang pumanaw na, umantig sa puso ng netizens

Batang tila naglalambing pa sa inang pumanaw na, umantig sa puso ng netizens

- Nag-viral ang larawan ng isang batang lalaki na walang kaalam-alam na yumao na ang kanyang ina

- Makikita sa larawan na tila naglalambing pa ang anak sa kanyang inang wala na palang buhay

- Tinabihan pa ito ng bata habang umiinom ng gatas sa pag-aakala marahil ay natutulog lamang ito

- Maraming netizens ang nalungkot at aminadong nadurog ang puso nang makita ang viral post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang post ni Emb Soirrab Paciteng tungkol sa pumanaw niyang kapwa online seller na si Romelyn Cabili.

Nalaman ng KAMI na maraming netizens ang aminadong napaluha nang makita ang larawan ng yumaong online seller na nilalambing pa ng kanyang anak na tila walang ideya sa totoong kalagayan ng ina.

Mapapansing tila ginigising pa niya ito at habang umiinom siya ng gatas, ay nagawa pa ring tumabi sa ina na namayapa na.

Read also

Viral na hardinero na dumidiskarte dahil nawalan ng trabaho, dinagsa ng tulong

Batang tila naglalambing pa sa inang pumanaw na, umantig sa puso ng netizens
Photo from FreePik
Source: UGC

Nakuha pang ngumiti ng bata sa camera sa pag-aakalang kinukunan lamang sila ng ordinaryong litrato ng kanyang mama. Hindi niya alam na iyon na pala ang huling larawan na katabi niya ang pinakamamahal na ina.

Talagang nadurog ang puso ng mga netizens sa viral post at aminadong naluha nang malaman ang totoong kaganapan sa mga larawan.

Lalo na ang mga ina na labis na nalulungkot para sa bata na sa murang edad ay nawalan na agad ng isang ina.

Batang tila naglalambing pa sa inang pumanaw na, umantig sa puso ng netizens
Photo from Emb Soirrab Paciteng
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento sa viral post ni Emb:

"Hindi ko namamalayan tumutulo na pala ang luha ko"
"After ko mabasa ang post, napayakap ako sa mga anak ko"
"I will include you in my prayers baby boy. Be strong ha, you're mom is watching over you na"

Read also

Asin vendor at mga anak na nakatira sa kariton, nabago ang buhay dahil kay Raffy Tulfo

"Mukha pa namang mabait at masayahing bata yung anak, ang aga pa para mawalan siya ng mama"
"Biglang patak na lang ng luha ko, ipagdadasal ko po ang family niya"

Samantala, halos hindi rin makapaniwala ang uploader sa maagang pagpanaw ng kasamahan niya sa pagiging online seller.

Nilarawan niya ito bilang isang masipag na raketera at mabuting ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay umantig din sa puso ng mga netizens ang ginawa ng mga anak para sa kanilang ama sa kaarawan nito.

Gamit ang mga maninipis na plastik, gumawa sila ng lobo at para naman sa cake nangutang pa sila ng itlog at milo sa tindahan.

Maging si Raffy Tulfo ay naantig ang puso nang makarating sa kanyang programang Wanted sa Radyo ang kwento ng mag-aama kaya naman nagpaabot siya ng tulong pinansyal para sa naturang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel