Viral na hardinero na dumidiskarte dahil nawalan ng trabaho, dinagsa ng tulong
- Matapos na mag-viral kamakailan ang larawan ng isang hardinero, nabiyayaan siya ng tulong
- Isang nagmalasakit na netizen ang nagbahagi ng larawan nito kung saan makikita din ang contact number ng hardinero
- Dahil dito, marami ang nakapagpaabot ng tulong sa kanya at para na rin sa kanyang pamilya
- Labis namang nagpapasalamat ang anak ng hardinero at ibinahagi nito ang larawan ng kanyang ama pati na rin ang kanilang mga napamili sa tulong na natanggap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Mababakas ang kasiyahan ng hardinero na si Andres Manoza matapos na makatanggap ng mga 'di inaasahang tulong mula sa mga nagmalasakit na netizens.
Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na mag-viral ang larawan ni Tatay Andres na ibinahagi ng netizen na si Francis Allen.
Makikita sa post si Tatay Andres, ang kanyang side car na puno ng panlinis at ang karatula kung saan makikita ang kanyang numero.
Sa panayam ng Philippine Star sa anak ni Tatay Andres na si Andrea Mae, dating may regular na trabaho bilang hardinero ang kanyang ama.
Subalit nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon, hindi na raw ito kaya pang pasahurin ng kanyang amo.
Dahil dito, nag-iikot na lamang ang ama sa BF Resort Village sa Las Piñas City sa pagbabaka-sakaling mayroong magpapalinis sa kanya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa huling update ni Andrea patungkol sa kanyang ama na naibahagi rin ng Inquirer, ipinakita niya ang larawan nito gayundin ang mga naipamili nila gamit ang tulong pinansyal na ipinaabot ng mga netizens.
“Sa mga nagpaabot po ng tulong kay papa, maraming salamat po sa inyong lahat. Binili po namin ng grocery yung pinaabot niyo pong tulong at yung natira po ay idadagdag po namin pampustiso niya dahil gusto niya raw po magkapustiso,” pahayag ni Andrea.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Marami talaga sa ating mga kababayan ang nawalan ng hanapbuhay dala ng krisis ng pandemya.
Dahil dito, maraming mga mag-anak ang nawalan ng pagkukunan para sa mga gastusin nila sa pangaraw-araw.
Ang iba, tulad ni Tatay Andres ay nagsusumikap na dumiskarte para maituloy ang suporta sa pamilya na tanging siya lamang ang inaasahan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh