Lola sa viral video, ipinagtanggol at nag-aalala pa rin sa apong naaktuhang nanakit sa kanya

Lola sa viral video, ipinagtanggol at nag-aalala pa rin sa apong naaktuhang nanakit sa kanya

- Matapos na mag-viral ang video ng isang lola na naaktuhang sinasaktan ng apo, nasagip agad ng city social welfare ang matanda

- Subalit sa kabila ng nagawa sa kanya ng apo, nagawa pa niya itong ipagtanggol at sinabing maasikaso ito sa kanya

- Ganoon din ang nasabi ng lola sa panayam sa kanya ni Raffy Tulfo kung saan nasabi niyang mabait ang apo

-Nag-aalala pa ang lola na baka walang makain ang apo na nasa kamay na ng mga awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumulantang sa social media kamakailan ang viral video ng isang lalaki na nagawang saktan ng paulit-ulit ang kanyang sariling lola.

Matapos na mag-viral, agad na nasagip ang lola lalo na nang mapag-alamang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang apo na nanakit sa kanya.

Sa panayam ng GMA News kay Edward Alcantara, ang City Social Welfare and Development Office admin officer, sa Sta. Cruz, San Pablo Laguna, nasabi nitong nagawa pang ipagtanggol ng lola ang kanyang apo kahit pa kitang-kita na ang ebidensyang sinasaktan siya nito.

Read also

Buntis na ginang, paulit-ulit na inayawan ng harapan ni mister

Lola sa viral video, ipinagtanggol at nag-aalala pa rin sa apong naaktuhang nananakit sa kanya
Photo from Snappygoat
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Katunayan, nag-aalala pa ang matanda nang malamang hawak na ng pulisya ang apo. Baka raw kasi wala itong makain doon.

Ganito rin halos ang sagot ng lola sa panayam sa kanya ni Raffy Tulfo. Nabanggit kasi ng "napakabait" ng apo, marahil kung wala ito sa ilalim ng impluwensiya ng droga.

Nakiusap pa ang lola na ipasok ang kanyang apo sa rehabilitation center upang tuluyan nang iwan ang masamang bisyo.

Kwento naman ng ina ng suspek, pinagsasabihan lamang ng lola ang apo na itigil na ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Pinagbintangan pa ng apo na ang lola niya ang kumuha ng kanyang nawawalang gamit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Ka Tunying, nag-TY sa baong bigay ng nakasabay sa pagpapaturok ng COVID vaccine

Kamakailan lamang, nag-viral din ang post tungkol sa isang lolang naglalako ng kakanin na nagawang lokohin at bayaran ng pekeng pera.

Labis na nanlumo ang lola subalit matapos na makita ito ng mga netizens na nagmalasakit sa kanya, dinagsa naman siya ng tulong.

Samantala, isang lola naman ang nabigyan ng 'di inaasahang tulong ng nakasabay niya na bumili ng gamot sa botika. Nagmagandang loob ang mabait na customer na bilhin na ang lahat ng gamot na kailangan ng lola dahil sa kulang na kulang ang pera nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica