Buntis na ginang, paulit-ulit na inayawan ng harapan ni mister

Buntis na ginang, paulit-ulit na inayawan ng harapan ni mister

- Kinaawaan ng maraming netizens ang isang ginang na hiniwalayan ng kinakasama nito

- Sa isang episode ng Raffy Tulfo in Action, makailang ulit ding tinanggihan ng lalaki ang ginang

- Ang nakakalungkot pa rito, ilang buwang buntis pa naman ang ginang na labis daw na-stress

- Sa kabila ng kanilang 10 taong pagsasama at pakiusap ng ginang, hindi pa rin nakapagbalikan sa kanya ang live-in partner

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinaawaan ng maraming netizens ang isang ginang na nagsumbong sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa pagtanggi rito ng kinakasama.

Si Madelyn Cabarles ay tumakbo kay Tulfo para ireklamo ang kinakasamang si Joeme Sta. Teresa at ang naging karelasyon nitong si Renalyn Barbacena.

Ang nakakalungkot pa rito, ilang buwang buntis pa naman si Cabarles na labis daw na-stress sa pangyayari.

Read also

Ka Tunying, nag-TY sa baong bigay ng nakasabay sa pagpapaturok ng COVID vaccine

Buntis na ginang, paulit-ulit na inayawan ng harapan ni mister
Screen grab from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Ngunit si Sta. Teresa, desidido nang makipaghiwalay sa kinakasama dahil umano sa ugali nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, inamin naman nina Sta. Teresa at Barbacena na nagkaroon sila ng ugnayan. Ngunit ayon sa huli, sinabi umano ng lalaki sa kanya na matagal na nitong gustong hiwalayan si Cabarles at tapos na rin umano ang kanilang relasyon.

Nakiusap pa si Idol Raffy kay Sta. Teresa na ayusin ang kanilang relasyon alang-alang nalang sa kanilang mga anak. Pero napag-alamang pagkatapos ng paghaharap ng mga ito sa programa ay hindi pa rin nakipag-ayos ang lalaki at hindi na rin umuwi pa.

Sa muling paghaharap sa barangay ng bawat panig ay paulit-ulit pa ring tumanggi si Sta. Teresa na makipagbalikan kay Cabarles.

Itinanggi rin nito na may relasyon pa sila ni Barbacena at iginiit na matagal na silang hiwalay ng babae.

Read also

Asin vendor at mga anak na nakatira sa kariton, nabago ang buhay dahil kay Raffy Tulfo

Sa huli, nagkasundo na lang ang dalawa na manatiling sibil sa isa't isa para sa mga anak nila. Uuwi pa rin sa kanilang bahay si Sta. Teresa upang gampanan ang pagiging ama nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Sa isa pang report ng KAMI, isang lolang may sakit na hinatiran ni Tulfo ang pumanaw bago pa man makarating ang staff ni Idol.

Isa umanong kaduda-dudang pagkamatay naman ng isang ginang ang nais daw na paimbestigahan ni Tulfo matapos ilapit sa kanya ng mga kaanak nito ang reklamo.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel