Mga anak, pinagdududahan ang pagkamatay ng ina na itinago ng kapatid nila

Mga anak, pinagdududahan ang pagkamatay ng ina na itinago ng kapatid nila

- Nagpatulong kay idol Raffy Tulfo ang magkakapatid na mula sa Angeles City, Pampanga ukol sa kaduda-duda umanong pagkamatay ng kanilang ina

- Ayon sa reklamo ng mga ito, nabigla sila nang malamang namatay na ang kanilang ina gayong nakakausap pa raw nila ito

- Batay sa salaysay ng magkakapatid, noon pang Oktubre ng nakaraang taon pa pala pumanaw ang ina na itinago ng isa nilang kapatid

- Sabi naman ng inirereklamong kapatid, itinago raw niya ang pagkamatay ng ina dahil na rin sa kagustuhan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpatulong kay idol Raffy Tulfo ang magkakapatid na mula sa Angeles City, Pampanga ukol sa kaduda-duda umanong pagkamatay ng kanilang ina na itinago ng kanilang isang kapatid.

Batay sa salaysay nina Jenie Borlado at Jimmy Bantayan, nagulat daw sila nitong Abril 8 nang malamang patay na ang kanilang ina na si Roselyn Kendrick gayong nakakausap pa raw nila ito.

Read also

COVID survivor, ibinahagi ang laban sa virus kasabay ng pumanaw na ama

Ayon kay Borlado, kapag kinakamusta niya ang ina sa kapatid na si Maricel Kendrick ay sinasabi nito na ayos lang ang ina at sinabing nasa Amerika lang ito.

Mga anak, pinagdududahan ang pagkamatay ng ina na itinago ng kapatid nila
Photo: Screen grab from Raffy Tulfo in Action
Source: UGC

Ngunit nagulat sila nang malamang namatay pala ang ina nila noong pang Oktubre 22, 2020 dahil sa cardiac arrest.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Wala naman daw dahilan para itago sa kanila ni Kendrick ang pagkamatay ng kanilang ina dahil maayos ang kanilang relasyong magkakapatid.

Ayon naman sa inirereklamong kapatid, kagustuhan umano ng kanilang ina na itago niya ang pagkamatay nito mula sa mga kapatid dahil baka raw apihin siya ng mga ito.

Bagay na hindi pinaniniwalaan ng mga complainant at maging ni idol Raffy.

Bukod dito, magulo rin daw ang salaysay ni Kendrick noong araw na isinugod nila sa ospital ang ginang. Anito, isinugod nila sa ospital ang ina dahil sa pananakit ng tiyan.

Read also

Ina ng groom, nagulat nang makumpirmang anak niya ang bride na matagal nang nawawala

"Mukhang may nangyari ritong foul play. Kaduda-duda," ani Tulfo.

Sabi naman ng isang medicolegal officer, posibleng may malubhang karamdaman ang ginang bago nasawi at ito raw ay napabayaan base sa death certificate na nakuha nina Borlado mula kina Kendrick.

Dahil dito, nangako si idol Raffy na tutulong sa imbestigasyon sa kaso ni nanay Roselyn.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Sa isa pang report ng KAMI, humantong na rin sa programa ni idol Raffy ang reklamo kaugnay ng viral lugaw incident.

Read also

Pulis sa Cavite, itinanggi ang 300 push-up na parusa sa yumaong curfew violator

Isang sekyu naman na umiyak sa isang viral video ang nabiyayaan din ng tulong ni idol.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel