Viral lugaw incident, humantong na kay Tulfo; may-ari ng lugawan, suko na
- Hindi na raw magbubukas pa ang Lugaw Pilipinas sa Barangay Muson ayon sa may-ari nito na si Mary Jane Resurreccion
- Sa isang panayam sa programa ni Raffy Tulfo ay humarap ang may-ari ng nasabing lugawan sa viral lugaw incident sa Bulacan
- Dito ay isiniwalat nito at ng Grab driver na si Marvin Ignacio, na sangkot din sa insidente, ang buong pangyayari
- Sa nasabing episode ng programa, nagkaliwanagan naman ang bawat panig ngunit nanindigan pa rin ang ginang sa kanyang desisyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi na raw magbubukas ang lugawan na Lugaw Pilipinas sa Barangay Muson, San Jose del Monte, Bulacan, kung saan naganap ang viral lugaw incident.
Sa isang panayam sa programa ni idol Raffy Tulfo, sa may-ari ng nasabing tindahan na si Mary Jane Resurreccion, sinabi nito wala na siyang balak pang magbukas sa lugaw kung saan nangyari ang nag-viral na insidente.
Matatandaang mabilis na kumalat ang isang video kung saan kita ang paninita ng ilang barangay tanod sa isang Grab Food rider na lumabag daw sa curfew.
Umani ng pambabatikos ang tanod na nagsabing hindi raw essential ang lugaw.
Batay sa pahayag ni Resurreccion at ng sangkot na rider na si Marvin Ignacio, bukod sa paninita ay nakaranas din umano sila ng pangha-harrass mula sa mga tanod.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Pero ayon sa kapitan ng naturang barangay, hindi lang daw nagkaintindihan ang kanyang mga tanod at ang kabilang panig.
Sinuspinde na rin daw ni Kap ang mga tanod na sangkot sa insidente at humingi na rin ng public apology ang kanyang tanggapan.
Igiiniit din nito na mayroon silang ordinansa mula sa Local Government Unit na dapat ay sumunod ang lahat sa curfew, kahit na iyong mga nagtitinda ng essential tulad ng lugaw.
Lahat naman daw ay sumunod doon maliban lang sa Lugaw Pilipinas.
Pero paglilinaw naman ni Atty. Rizaldy Mendoza, Assistant City Administrator ng San Jose del Monte, Bulacan, maaaring tumanggap ng order ang mga nagtitinda ng pagkain thru delivery 24/7.
Dahil dito ay nagkaliwanagan na ang bawat panig ngunit hindi pa rin daw magbabago ang desisyon ni Resurreccion, dala na rin ng takot para sa kanilang kaligtasan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kaugnay naman ng isyu, naging usap-usapan din ang naging pahayag ni DILG Undersecretary Epimaco Densing tungkol sa "ang lugaw" at "si Lugaw.
Sa isang panayam, inamin nito na si Vice President Leni Robredo ang kanyang pinapatutsadahan sa kanyang nasabing pahayag.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh