Usec. Densing, inaming si VP ang tinutukoy sa viral statement: "Lugaw si Leni"
- Tahasang inamin ni DILG Undersecretary na si Vice President Leni Robredo ang tinutukoy niyang "Lugaw" sa kanyang viral statement
- Kamakailan lang nang kumalat ang tungkol sa naging pahayag ni Densing sa viral na Lugaw issue
- Dito, sinabi niyang tama ang sinabi ng tanod sa isang viral video na "hindi essential si Lugaw"
- Agad naman itong sinagot ng kampo ni Robredo at tinawag ang opisyal na pabigat sa bansa sa laban konta-COVID-19
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tahasang inamin ni Department of Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III na si Vice President Leni Robredo ang "Lugaw" na tinutukoy niya sa kanyang nag-viral na statement.
"Yes. Lugaw si Leni," ani Densing sa isang report ng Manila Bulletin.
"She has been a non-essential in this fight against COVID (coronavirus disease). Unfounded comments on IATF (Inter-Agency Task Force)," dagdag pa ng opisyal.
Kasunod ito ng naging pahayag ni Robredo laban sa gobyerno, partikular sa IATF, na hindi muna umano kumonsulta sa mga local government units (LGUs) bago nagpatupad ng quarantine protocols.
Pero ayon kay Densing, kinonsulta nila ang mga LGU bago magpatupad nito.
"Before these protocols were issued, the LGUs and mayors were consulted," anito.
Ang viral na statement ni Densing kaugnay pa rin ng kumalat na video sa social media kung saan isang Grab food rider ang hinarang ng ilang tanod sa Bulacan. Isa sa mga ito ay sinabing hindi raw essential ang lugaw.
Sa isang panayam ng Sa Totoo Lang, sinabi ni Densing na:
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Tama ho 'yun. Tama. Tama 'yung sinabi niya [tanod]. Sabi niya kasi, "non-essential si Lugaw", o talagang ano, hindi talaga essential si Lugaw. Pero kung sinabi niya, essential ang lugaw, 'yon tama 'yun. "ang lugaw". Pero "si Lugaw" ang binanggit niya eh. Non-essential talaga 'yon sa pananaw namin."
Bagamat hindi nito binanggit si Robredo sa pahayag na ito, maraming Pinoy netizens ang nagsabing ang bise nga ang tinutukoy ni Densing.
Agad naman itong sinagot ng kampo ni Robredo at tinawag ang opisyal na pabigat sa bansa sa laban konta-COVID-19, batay sa report ng ABS-CBN News.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
"With cases rising, hospitals full, & millions struggling, instead of doing real work he makes 'jokes,' plays politics, & bashes someone who's actually doing the job they're supposed to," ayon kay Barry Gutierrez, spokeperson ng Vice President.
"Di lang ito 'non-essential.' Ito ay pabigat," patutsada pa ni Gutierrez.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh