Ina ng groom, nagulat nang makumpirmang anak niya ang bride na matagal nang nawawala

Ina ng groom, nagulat nang makumpirmang anak niya ang bride na matagal nang nawawala

- Isang hindi inaasahang reunion ang kasalan sa China nang malaman ng ina ng groom na ang bride ang nawawala niyang anak

- Dahil sa birthmark o balat nito sa kamay, napag-alaman ng ina na anak nga niya ang pakakasalan ng kanyang 'anak'

- Nakumpirma ito matapos na sabihin ng mga magulang ng babae na inampon lamang nila ito

- Halos hindi na matuloy ang kasal dahil sa makapigil hiningang rebelasyon ng bawat pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang mala-telenovela na kwento ng kasalan sa Suzhou, Jiangsu sa China noong Marso 31.

Nalaman ng KAMI na muntik nang maudlot ang kasalan nang malaman ng ina ng groom ang bride ang nawawala niyang anak.

Sa ulat ng Philippine Star sinabing naging hindi inaasahang reunion ng mag-ina ang kasalan nang mapansin ng ina ng groom ang balat sa kamay ng bride. Malaki kasi ang pagkakatulad nito sa birthmark ng nawawala niyang anak.

Read also

Residente, pinakyaw ang 30 na inumin sa nalokong delivery rider at pinamigay sa kapitbahay

Ina ng groom, nagulat nang makumpirmang anak niya ang bride na matagal nang nawawala
Photo Creator: Antonio_Diaz | Credit: Getty Images
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, inusisa niya ang mga magulang ng bride at doon nalaman niyang nakita lamang ang noo'y batang babae sa may kalsada na kanilang kinupkop at itinuring na tunay na anak.

Ayon pa sa Dailymail, tumugma rin ito sa mga detalye tulad ng tagal na 20 taon mula nang mawala ang anak ng ina ng groom.

Naging emosyonal na ang lahat lalo na sa pag-aakalang hindi matutuloy ang kasalan.

Subalit agad namang sinabi ng ina ng groom na inampon lamang niya ang lalaki matapos nga na mawala ang noo'y batang babae kaya naman hindi sila magkapatid ayon sa Yahoo News.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman natuloy pa rin ang kasalan at doble-doble ang kasiyahan dahil sa muling pagsasama ng tunay na mag-ina.

Read also

Marvin Ignacio, desididong turuan ng leksiyon ang mga nang-harass umano sa kanya

Samantala, sa Pilipinas, hindi mapipigil ng pandemya ang pag-iisang dibdib ng mga nagmamahalan, kilalang personalidad man o ordinaryong mamamayan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang ilan, handa pang suunging ang baha at anumang trahedya maituloy lamang ang kasalan. Dahil dito, masasabi nilang kaya nilang harapin ang anumang pagsubok na kanilang haharapin bilang mag-asawa dahil sa kasalan pa lamang ay nalampasan na nila ang hamon ng kanilang kapalaran.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica