Lola na naglalako ng kakanin, labis na nanlumo nang mabayaran ng pekeng pera

Lola na naglalako ng kakanin, labis na nanlumo nang mabayaran ng pekeng pera

- Viral ang post ng isang netizen tungkol sa kaawa-awang lola na nabayaran ng pekeng pera

- Kakanin ang itinitinda ng lola at pekeng Php500 ang ibinayad sa kanya

- Php80 lamang ang halaga ng nabili ng babaeng nagbayad umano sa kanya kaya nagkaroon pa ito ng Php420 matapos na manlamang

- Sa bagong post ng netizen, may mga nagpaabot na ng tulong sa lola kaya naman agad na napalitan ang nawala sa kanyang pera na kanya sanang puhunan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nadurog ang puso sa post na ibinahagi ng netizen na si Mylyn Tupas tungkol sa tindera ng kakanin na nagawang lokohin ng isa sa mga bumili sa kanya.

Nalaman ng KAMI na pekeng Php500 ang ibinayad kay "Nanay Liza", ang lola na naglalako ng kakanin sa cainta, Rizal.

Ayon sa post ni Mylyn, Php80 lamang ang halaga ng binili ng babae na umano'y nagbayad ng pekeng pera.

Read also

Basel Manadil, nakilala na ang magnanakaw na nanloob sa kanyang resto

Lola na naglalako ng kakain, labis na nanlumo nang mabayaran ng pekeng pera
Photo from Mylyn Tupas
Source: Facebook

Dahil dito, nagkaroon pa ito ng Php420 matapos na manlamang sa kaawa-awang lola na tindera.

Labis na nalungkot si Nanay Liza dahil puhunan na sana niya ang nawalang halaga sa kanya.

"Hindi ka na naawa sa matanda! Binayaran mo ng pekeng Php500. Halos nanlumo yung matanda dahil nakuha mo ang puhunan niya. Nakakuha ka na ng halagang 80 pesos na kakanin, nasuklian ka pa ng 420 pesos sa peke mong pera!"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Upang matulungan ang lola, ibinahagi rin ni Mylyn sa kanyang post ang contact number ng tindera pati na rin ang address para sa mga gustong tumulong sa mga ito.

Hindi naman nabigo si Mylyn dahil matapos na mag-viral ang kanyang post, dumagsa ang tulong kay Nanay Liza.

Kaya naman madaling napalitan ang nawalang halaga sa kanya at labis labis pa.

Read also

Kapitan ng naka-lockdown na barangay, hinangaan sa pagkolekta ng basura ng mga residente

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahanga-hanga ang mga tulad ni Nanay Liza na sa kabila ng kanilang edad ay nagsusumikap pa ring matustusan ang mga pangangailangan nila sa araw-araw lalo na ngayong dumaranas pa rin tayo ng pandemya.

Tulad na lamang ng isang lolo na pianista noon sa mall na nawalan ng trabaho buhat nang magpandemya. Dumiskarte siya ng pagkakaroon ng online show para makalikom ng halaga na magagamit niya sa mga pang-araw araw niyang pangangailangan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Gayundin ang isang lolo na nag-viral dahil sa matiyaga nitong paglalako ng basahan sa kabila ng hirap nito sa paglalakad.

Masuwerte siya na napansin nina Raffy Tulfo at vlogger na si Basel Manadil na napadalhan siya ng tulong at napatayuan pa siya ng sari-sari store.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica