Dating cabin crew na nawalan ng trabaho, street food vendor muna para sa pamilya
- Dumiskarte ng pagtitinda ng street food ang isang dating flight attendant na nawalan ng trabaho
- Dahil dito, nag-negosyo na muna ang 26-anyos na flight attendant na breadwinner ng kanilang pamilya
- Mula sa dating kinikita na Php50,000 hanggang Php70,000 kada buwan, pinagkakasya na nila ngayon ang Php500 na kinikita nila kada araw
- Sa ngayon, nagsisimula na ring mag-apply ng ibang trabaho ang flight attendant upang mas maayos na masuportahan ang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakakabilib ang diskarte ng 26-anyos na flight attendant na si Leigh Nazaredo na nakaisip na magnegosyo matapos na mawalan ng trabaho.
Nalaman ng KAMI na isa si Leigh sa mga hindi pinalad na mapanatili ang trabaho sa isang malaking airlines sa bansa.
Dala kasi ng pandemya, limitado na lamang ang mga flights kaya naman nagbawas na rin ng mga tauhan ang mga paliparan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Breadwinner ng kanilang pamilya si Leigh kaya naman malaking dagok ang kawalan niya ng hanapbuhay lalo na at panahon pa ng pandemya.
Subalit hindi niya ito sinukuan. Sa suporta na rin ng kanyang pamilya, nakapagtayo siya ng street food business.
Araw-araw, kasa-kasama niya ang kanyang mga magulang sa pamamalengke ng kanilang maititinda.
Mula sa sinasahod niyang Php50,000 hanggang Php70,000 kada buwan bilang flight attendant, pinagkakasya muna nila ang kita sa maliit na negosyo na Php500 sa isang araw.
Sa ngayon, nagsisimula na ring mag-apply muli ni Leigh upang mas maayos na masuportahan ang kanyang pamilya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na naibahagi sa Reporter's Notebook ng GMA Public Affairs.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa ang mga airline companies sa labis na naapektuhan ng pandemya kaya naman marami talaga sa kanilang mga empleyado ang nawalan ng trabaho.
Kabilang na rito ang sikat na TikTok star na si Jen Barangan na dating empleyado ng Cebu Pacific. Ibinahagi niya ang mga masasayang alaala sa pagiging cabin crew ng nasabing paliparan.
Samantala, tulad naman ni Leigh isang flight attendant din ang dumiskarte ng pagiging isang "LPG" girl matapos ding matanggal sa trabaho sa Cebu Pacific.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh