Donita Nose at Super Tekla, pumalag sa mga reaksiyon ng mga netizens

Donita Nose at Super Tekla, pumalag sa mga reaksiyon ng mga netizens

- Minabuti ng tambalang DoNekla na binubuo nina Donita Nose at Super Tekla na linawin ang mga isyung ibinabato sa kanila

- Ito ay kaugnay sa spekulasyon ng ilang netizens na muling bumalik sa paggamit ng pinagbabawal na gamot si Tekla dahil sa pagpayat nito

- Binahagi nila na ang dahilan ng pagpayat nito ay dahil sa pagkontrol ni Tekla sa kanyang kinakain dahil sa kagustuhang magbawas ng timbang

- Tahasan ding pinabulaanan ni Tekla ang paratang sa kanya na nagkabalikan umano sila ni Michelle Bana-ag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang isang vlog kung saan tinanong ni Donita Nose si Super Tekla kung nagkabalikan na sila ni Michelle Bana-ag, marami ang netizens na nagsabing mukhang nagkabalikan na nga ang dalawa.

Ito ay sa kadahilanang tila matagal sumagot si Tekla at mukhang umiwas sa pagsagot.

Read also

Single mom na OFW, masayang inaabot ang mga pangarap para sa mga anak

Donita Nose at Super Tekla, pumalag sa mga reaksiyon ng mga netizens
Super Tekla and Donita Nose (@donitanose)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman, minabuti nilang linawin ang mga isyu. Ayon kay Tekla, inaamin niyang nagkita sila ni Michelle ngunit para na lang ito sa anak nilang si Angel na maselan ang kalagayan.

Bilang ama ni Angelo, kailangan niya umanong gampanan ang kanyang responsibilidad ngunit hindi niya ito magagawa nang hindi sila magkikita ni Michelle dahil nasa kustodiya nito ang kanilang anak.

Tungkol naman sa komentong baka raw nagbalik sa paggamit ng pinagbabawal na gamot si Tekla dahil pumayat ito at mukhang haggard, nilinaw din ito ng dalawa.

Ayon kay Tekla, aminado siyang may mali siya dahil hindi siya masyadong nag-aayos kapag nag-vlog sila dahil nasa bahay lang naman sila.

Kaya umano siya pumayat dahil nagbawas siya ng kanyang kinakain matapos mapansin na marami ang nagkokomento tungkol sa kanyang paglaki.

Read also

Camille Trinidad, naglabas ng sama ng loob kaugnay sa lumabas na isyu

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla.

Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa si Donita sa tumulong upang mapabinyagan ang anak ni Tekla sa dating kinakasama nitong si Michelle Banaag.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel