Call Center Agent na napagsabay ang pag-aaral at trabaho sa loob ng 5 taon, nagtapos na

Call Center Agent na napagsabay ang pag-aaral at trabaho sa loob ng 5 taon, nagtapos na

- Hinangaan ang isang call center na nakapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng pagiging full-time sa trabaho

-Aminadong halos walang tulog sa araw-araw dahil sa pagko-kolehiyo niya sa umaga at sa gabi naman ay pagiging isang call center agent

- Sa edad na 18 ay agad siyang naghanapbuhay subalit dahil sa pangaral ng kanyang ina tungkol sa kahalagahan ng edukasyon, sinikap niyang mag-aral

- Bukod pa rito, napakarami pa niyang pagsubok na hinarap at sa loob ng limang taon, napagtagumpayan niya ito at nakapagtapos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Call Center Agent na napagsabay ang pag-aaral at trabaho sa loob ng 5 taon, nagtapos na
BPO company (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Viral ang post ng isang proud na call center agent na napagsabay ang pagtatrabaho at ang pag-aaral.

Nalaman ng KAMI na sa edad na 18, naging working student na si Jesseca Alcantara na kamakailan ay nakapagtapos na ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in English sa Polytechnic University of the Philippines.

Read also

Rosanna Roces at anak nitong si Onyok, nagkabati na

Sa kanyang mahabang post, isinalaysay ni Jesseca ang tindi ng sakripisyo na kanyang napagtagumpayan sa loob ng limang taon.

Kahit nakahanap na siya ng trabaho at maayos naman niya itong nagagampanan, tumatak sa isip ni Jesseca ang pangaral ng kanyang ina na mas mainam pa rin kung makapagtatapos siya ng kolehiyo.

Kaya naman pinanghawakan ito ni Jesseca at nag-enrol kahit na siya ay nagtatrabaho.

"Full time (regular) sa work at full load (regular) sa school. 7:30 AM to 5:30 PM (minsan may mga up to 9PM class pa nga pero nililipat ko nalang sa ibang section na mas fit sa schedule ko) ay nagaaral habang 9 PM to 6 AM naman ay nagtatrabaho," kwento ni Jesseca kaya naman aminadong wala siya halos tulog sa araw-araw.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kanya namang rest day, ginagawa na niya ang mga posibleng ipagawa sa kanila sa susunod na linggo upang mas makakuha siya ng mahabang oras sa pagtulog kaysa gumawa ng homework.

Read also

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

Aminadong napakahirap ng kanyang pinagdaanan lalo na at kasabay pa nito ang ilang suliranin ng kanilang pamilya.

Ang nakamamangha kay Jesseca, sa kabila ng araw-araw niyang hirap, pagod at puyat, matataas pa na marka pa ang kanyang nakukuha.

Kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanya hanggang sa makapagtapos na nga siya ng kolehiyo .

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sadyang nakakabilib ang mga working student na tulad ni Jesseca na kinakayang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Kamakailan ay nag-viral ang hinaing ng isang working student na nakikiusap sa kanyang mga propesor na hinay-hinay lamang sa mga pinagagawa sa online classes nila.

Ang iba, di lamang isa ang trabaho subalit nagagawa pang mag-aral at nakakakuha pa rin ng mataas na grado.

Ang mga tulad nilang masisipag at maabilidad ay nararapat lamang na pamarisan ng mga kabataan upang nang sa gayon ay mapahalgahan na nila ang pagiging responsable sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica