Rosanna Roces at anak nitong si Onyok, nagkabati na

Rosanna Roces at anak nitong si Onyok, nagkabati na

- Marami ang natuwa sa balitang sa wakas ay nagkabati na ang mag-inang Rosanna Roces at Onyok

- Matatandaang unang lumabas ang balita tungkol sa naging alitan nila noong 2013

- Hindi lang nagkasagutan kundi nagkapisikalan pa ang mag-ina base na rin sa kwento ng aktres sa kanyang social media post

- Matatandaang naging emosyonal si Rosanna nang tanungin noon tungkol sa posibilidad ng kanilang pagbabati

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinatuwa ng marami ang pagbabati ng mag-inang Onyok at Rosanna Roces. Sa loob ng maraming taon ay hindi naging maayos ang relasyon ng mag-ina matapos ang kanilang naging pag-aaway noong 3013 kung saan hindi lang bangayan kundi nagkapisikalan pa umano sila.

Rosanna Roces at anak nitong si Onyok, nagkabati na

Rosanna Roces at Onyok Roces (Photo from @Jennifer Cruz Adriano/Facebook
Source: Facebook

Sa isang Facebook post ng aktres, ibinahagi niya ang litrato nilang mag-ina na may caption na, "Tapos ang kwento!!"

Marami ang natuwa sa pagbabati ng mag-ina.

Bela Padilla, namataang namamasyal sa Turkey kasama ang isang mystery guy

Sa kanyang mga Facebook post noong 2013, ibinahagi ni Rosanna ang kanyang sama ng loob nang sagutin daw siya ng pabalang ng kanyang anak na si Onyok dahil lamang sa karelasyon nito noong panahong iyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa aktres, nagkapisikalan pa sila ni Onyok. Sa isang panayam naman ni Onyok sa Startalk, pinabulaanan niyang pinagbuhatan niya ng kamay ang ina.

Gayunpaman, ayon kay Onyok, hindi magiging madali na magkakaayos sila dahil sa tindi ng ginawa umano ng kanyang ina sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang tanungin naman si Rosanna tungkol sa posibilidad na magkabati nila ng anak, hindi napigilang maiyak ni Rosanna dahil nasaktan umano siya sa ginawa ng anak.

Nakilala si Rosanna Roces bilang isa sa mga artista ng Seiko films noong dekada 90. Kilala din siya sa tawag na Osang. Ikinasal siya sa kanyang lesbian husband.

Palaban! China Roces, nagpost tungkol sa 'umalis at bagong parating'

Inamin din ng aktres na tumino siya dahil sa kanyang lesbian na partner lalo na pagdating sa ugali niya sa pagtatrabaho.

Naging usap-usapan ang kanyang pahayag hinggil sa mga miyembro ng LGBTQ community matapos mag viral ang tungkol kay Gretchen Diez.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel