Carlo Muñoz, walang pagsisisi sa desisyong iwanan ang mundo ng showbiz

Carlo Muñoz, walang pagsisisi sa desisyong iwanan ang mundo ng showbiz

- Ibinahagi ng dating aktor na si Carlo Muñoz ang naging dahilan ng kanyang pag-iwan sa kanyang showbiz career sa Pilipinas

- Ayon sa kanya, ang kapatid niyang si Leandro Muñoz ang nag-engganyo sa kanyang sa Amerika na lamang manirahan

- Nagsimula ang lahat nang magbakasyon sila sa Amerika matapos pumanaw ang kanilang ama at nagkaroon ng ilang offers sa kanila doon

- Wala naman umanong pinagsisisihan si Carlos sa kanyang naging desisyon na iwan ang pag-aartista sa Pinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinuwento ng dating aktor na si Carlo Muñoz ang tungkol sa naging desisyon niya noon na iwanan ang kanyang career sa showbiz sa Pinas noon.

Ang kapatid niyang si Leandro Muñoz ang kumubinsi sa kanyang mag migrate sila at manirahan na lamang sa Amerika.

Sa isang panayam sa programang Just In nina Paolo Contis at Vaness del Moran, ibinahagi ni Carlo na magbabakasyon lamang sana sila sa Amerika noon matapos pumanaw ang kanilang ama.

Estudyanteng nakatanggap ng mga bato imbis na laptop, nabiyayaan

Doon nila nakilala ang ilang producers na nag offer sa kanila na gumawa ng mga local shows.

"I think our first year here nagkaroon pa ako ng musical comedy sa stage. It was a traveling show, so different states, different places in the country. Kaya nag-enjoy ako," ani Carlo.

Carlo Muñoz, walang pagsisisi sa desisyong iwanan ang mundo ng showbiz

Carlo Muñoz and Enid "Meg" Reyes (Photo from @czonum/Instagram)
Source: Instagram

Taong 2017 umano nang umuwisiya ay may mga offers para sa kanya. Kinumbinsi umano siyang manatili sa bansa kahit anim na buwan lamang at gumawa ng soap opera at pelikula.

Gayunpaman, hindi umano natuloy ang mga offers dahil hindi iyon naging consistent. Hindi naman umano pinagsisihan ng aktor ang kanyang desisyon na iwan ang kanyang showbiz career.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binalak niyang pasukin ang Hollywood ngunit napag-isip-isip nyang hindi biro ang sakripisyong kailangan niyang gawin upang magkaroon siya ng pagkakataon na mabigyan ng break.

Larawan ng estudyanteng naiyak sa online class, ikinabahala ng netizens

Matapos niyang pumasok sa ilang klase sa Hollywood, na-realize niyang mahirap ang makapasok dahl na rin sa nakita niyang ginagawa ng kanyang mga kaklase.

"They were living in their cars. Kasi 'yun 'yung uso dito sa States. If you want to become an actor, come to Hollywood. Most people here are from out of state. Pumupunta sila dito thinking they will be successful. But it's a long road to success," aniya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Carlo Muñoz ay anak nina Louie Muñoz at Patricia García. Una siyang nakilala bilang commercial model ng local TV ads.

Taong 2003 nang lumipat si Carlo kasama ang kanyang noong kasintahang si Enid "Meg" Reyes pati na rin ang kanyang kapatid na si Leandro at anak nito na si Francesca.

Matatandaang ikinabigla ng magkapatid na Carlo at Leandro Muñoz ang biglaang pagpanaw ng malapit na kaibigan nilang si Mico Palanca.

BB Gandanghari, binalikan ang naging "honeymoon period" nina David at Jonathan

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel