46-anyos na naka-swimsuit, agaw eksena sa Manila Bay
- Agaw eksena sa Manila Bay ang isang 46-anyos na babaeng nag-swimsuit sa Manila Bay
- Lakas loob niya itong ginawa sa kabila ng napakaraming taong dumagsa para masilayan ang white sand doon
- Aniya, good vibes lamang daw ang hatid niya lalo na at likas na masayahing tao talaga siya.
- Dinumog ng maraming tao ang Manila Bay nang bahagyang buksan ito sa publiko upang makita ang bagong bihis nito na malayo sa dati nitong itsura
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon sa social media ang mga larawan ni Renalyn Macato na lakas loob na nag-swimsuit sa Manila Bay.
Nalaman ng KAMI na isa si Renalyn sa mga nagtungo sa Manila Bay upang masilayan ang white sand na inilagak doon kamakailan.
Ayon sa Radyo Singko 92.3 News FM, kaibigan ni Renalyn na si Bernard Bayog ang kumuha ng kanyang mga larawan.
Suot ang kanyang pulang one-piece swimsuit, nagmistulang pictorial sa Boracay ang mga kuha ni Renalyn sa white sand ng Manila Bay.
Dahil sa agaw eksena niyang ginawa na ito, nakasama siya sa larawan ng #manilabaychallenge base sa ulat ng Rappler.
Sa panayam kay Renalyn ng ABS-CBN News, sinabi nitong good vibes lamang daw ang nais niyang iparating sa pagsusuot ng swimsuit sa Manila Bay.
"Gusto ko lang po kasing masaya. Good vibes lang po. Pati proud din po kasi ako kasi kahit 46 na ko, G! pa rin sa mga ganu'n bagay," ayon kay Renalyn na sa kabila ng edad ay nagagawa pa ring magsuot ng bathing suit.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Nilinaw pa niyang may face mask at face shield siyang suot taliwas sa mga puna ng ilang netizens. Hindi naman umano siya makapapasok sa lugar kung wala siyang suot ng mga ito.
Tinanggal lamang daw niya ito nang siya ay mag-pictorial. Marami naman ang naaliw sa viral post na ito ni Renalyn.
Kamakailan at bahagyang binuksan sa publiko ang bagong bihis na Manila Bay. Dinumog ito ng mga taong nais masilayan ang mala-Boracay na itsura nito dahil sa white sand na kalalagay lamang dito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Subalit ilang sektor ang di natuwa sa naganap sa naturang lugar dahil hindi nasunod ang ilang safety protocols na dapat ay mahigpit pa ring ipinatutupad sa patuloy na banta ng COVID-19.
Bagaman at may mga taong nagpapaalala ay may dalang karatula na nagsasabing dapat sundin ang 'social distancing,' dikit dikit pa rin ang mga taong dumagsa rito.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh