Batang lansangan na nanonood ng cartoons sa wifi kiosk sa Maynila, umantig sa puso ng netizens

Batang lansangan na nanonood ng cartoons sa wifi kiosk sa Maynila, umantig sa puso ng netizens

- Viral ang larawan ng isang batang lansangan na nanonood ng cartoons sa isang wifi kiosk sa Maynila

- Nadaanan umano ito ng netizen na nag-upload ng larawan dahil natuwa siya sa batang nakahanap ng mapagkakalibangan habang ang mundo ay nababalot ng pandemya

- Mapapansing kahit nag-iisa ay til nag-e-enjoy naman umano ito sa kanyang pinapanood

- Isa lamang ito sa proyekto ng lungsod kung saan nagkakaroon ng libreng access sa internet ang mga naroon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Batang lansangan na nanonood ng cartoons sa wifi kiosk sa Maynila, umantig sa puso ng netizens
Photo from Marc Joseph Austria's Facebook
Source: Facebook

Umantig sa puso ng maraming netizens ang larawan ng isang batang lalaki na tutok na tutok sa kanyang pinapanood sa isang wifi kiosk sa Maynila.

Nalaman ng KAMI na kuha umano ang larawang ito sa sa isang smart station ng España boulevard sa Maynila.

Ang smart stations na tulad nito ay may free wifi access at may mga charging ports din sakaling ma-lowbat ang mga cellphone ng mapapadaan doon.

Read also

Sekyu, nagbabasa-basa na ng mga law books bilang paghahanda sa pag-aabugasya

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kwento pa ng netizen na si Marc Joseph Austria, natuwa siya sa bata na nakahanap daw ng paraan upang aliwin ang kanyang sarili habang ang mundo ay nabablot pa rin ng pandemya.

"Nakakatuwa namang makita ang batang ito na nakagawa ng paraan para libangin ang sarili niya. Nanonood lang naman siya ng mga cartoons sa tulong ng mga smart stations along España blvd. and take note, may pa-earphone pa siya," ani Marc.

Masasabing dito lamang nakakapanood ang batang lansangang ito dala ng kahirapan sa buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, marami rin ang tulad ng batang ito na dahil sa tindi ng krisis na dala ng COVID-19 ay nagagawa nang maghanapbuhay upang makatulong sa naghihikahos na pamilya.

Read also

46-anyos na naka-swimsuit, agaw eksena sa Manila Bay

Tulad na lamang ng isang bata naglalako ng gulay sa gilid ng kalsada sa Camarines Sur.

Nang madaanan ito ng ilang pulis, pinakyaw na lamang nila ang panindang gulay ng bata upang makauwi na ito agad at kanila pa itong hinatid.

Samantala, isang bata naman na sa murang edad ay dalawa ang pinasok na trabaho dahil parehong may karamaman ang kanyang mga magulang at wala na silang ibang maasahang maghanapbuhay.

Masasabing ilan sa ating mga kabataan ay tila napagkaitan ng kamusmusan. Kaya ang batang nanonood ng cartoons ay tila sabik sa bagay na ito na tinatamasa naman ng ibang batang tulad niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica