Ilang Sariaya farmers, personal na nagbahagi ng gulay sa community pantry sa QC

Ilang Sariaya farmers, personal na nagbahagi ng gulay sa community pantry sa QC

- Personal na dinala ng ilang mga magsasaka ang kanilang mga gulay na ibabahagi sa isang community pantry sa Quezon City

- Mula pa sila sa Sariaya, Quezon kung saan nasa tatlo hanggang apat na oras ang biyahe patungo sa Maynila

- Ayon sa mga magsasaka, alam daw nila ang hirap ng walang makain kaya naman nagbahagi sila ng mga gulay na kanila mismong tanim

- Subalit sa kabila ng kanilang pamamahagi, kaakibat nito ang kwentong inaagaw umano sa kanila ang lupang kanilang pinagtatamnan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post patungkol sa mga magsasaka ng Sariaya, Quezon na nagbiyahe patungong Quezon City para lamang magbahagi ng kanilang gulay sa isang community pantry.

Nalaman ng KAMI na halos puno ang pick-truck ng mga gulay na sariling tanim ng nagpakilalang farmer na si Rosalina.

Read also

Batang nagbigay ng mga kamote sa kanilang community pantry, bibigyan ng scholarship

Ilang farmers sa Quezon, nagtungo sa QC upang magbahagi ng gulay sa community pantry
Photo from Elijah San Fernando
Source: Facebook

Sa post ni Elijah San Fernando, nabanggit niyang labis siyang natuwa ang pagtanggap sa mga dalang gulay ni Rosalina. Ngunit mas lalo siyang natuwa sa pagkamangha nang malamang nasa 126 kilometro ang biniyahe nito para lamang personal na madala ang mga gulay.

"Kasi alam namin yung hirap kapag walang makain. Mayaman ang mga lupa natin. Halimbawa sa Sariaya pa lang. Binabahagi lang din namin ang biyaya ng lupa."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Subalit sa kabila ng pamamahagi ng mga pagkain, kaakibat pala nito ang nakalulungkot na kwento kung saan inaagaw na umano sa kanila ang lupang sinasaka at pinagtatamnan.

Nare-classify na umano ang kanilang lupain na isang non-agricultural na labis nilang inaaalala.

"47 years na ako nakatira doon. Doon na ako lumaki at nagkaisip. Doon na nakatirik ang bahay namin. Ang hiling lang namin ay wag sanang tuluyang mawala yung lupa namin. Wala na kaming ibang hiling pa."

Read also

Nag-viral na mga babae sa community pantry sa Pasig, nag-public apology na sa RTIA

Maging si Elijah ay nahabag sa nabanggit ng farmer na siyang nakapagbigay ng malaking tulong sa mga residente ng isang bahagi ng Quezon City.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nakatutuwang isipin na dumarami ang mga kababayan nating nagbabahagi ng kung anuman ang kanilang makayanan sa kanilang community pantry.

Matatandaang nag-viral ang isang lalaki na inakalang naghihintay ng pagkain sa kanilang community pantry iyon pala, siya pa ang magbibigay ng Php46 na kanyang kinita sa paglalako ng ilang piraso ng bakal.

Gayundin ang isang bata at kanyang pamilya na makailang beses na nagbigay ng kalahating sako ng kamote sa kanilang community pantry. Dahil sa kanilang kabutihan, nabigyan ng full scholarship ang bata mula elementarya hanggang kolehiyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica